May nararamdaman ka bang mainit sa batok mo? Kung ito ay madalas mangyari, importante na malaman ang posibleng dahilan nito. Ang pag init ng batok ay maaaring may kinalaman sa iyong blood pressure.
Ano Ang Pwedeng Maramdaman?
Ang batok mo ay pwedeng makaranas ng ilan sa mga sumusunod:
Nag iinit ang batok
Mainit ang batok matapos kumain
Nangangalay ang batok na umiinit
Masakit ang batok at parang namamaga
Ano Ang Dahilan ng Mainit na Batok?
May mga kondisyon na pwedeng magdulot na nanginginit na batok. Isa na rito ang pagkakaroon ng high blood pressure o hypertension. Kapag mataas ang iyong blood pressure, pwedeng makaranas ng mainit na batok.
Sa mga babae, pwede rin itong mangyari kapag menopause. Iba’t ibang bahagi ng katawan ay pwedeng makaranas ng pag iinit sa balat dahil sa menopause.
Ang damage sa nerves at wear and tear sa batok ay pwedeng magdulot rin ng pag iinit ng batok.
Ano Ang Doctor Para sa Mainit na Batok?
Ang isang family medicine na doctor ay pwedeng konsultahin. Kung ang iyong sintomas ay may kinalaman sa puso at blood pressure, pwede ito sa cardiologist.
Ano Ang Lunas sa Mainit na Batok?
May gamot ba na pwedeng inumin? Importante na malaman muna kung ano ang dahilan ng pag iinit ng iyong batok. Ang doktor ay pwedeng magpagawa ng ilang tests para malaman ang sanhi nito.
May Pagkain Ba Para sa Batok?
Kung sa tingin mo na ang iyong sintomas ay dahil sa high blood pressure, umiwas muna sa mga pagkain na maaaring magpataas nito. Ilan sa mga ito ay alcoholic drinks, high cholesterol foods at iba pa.
Iba Pang Sintomas na Dapat Bantayan
Bantayan mo kung ikaw a makakaranas ng ibang sintomas gaya ng pagkahilo, pagsakit ng ulo at panghihina.