Mahina Ang Labas ng Ihi – Dahilan at Gamot

May ilang lalaki na nakakaranas ng mahinang daloy ng ihi. Maaaring ito ay may kinalaman sa karamdaman na hindi pa nalalaman. Mabuting alamin kung ano ang posibleng dahilan nito.

Posibleng Dahilan

May ilang posibleng dahilan kung bakit mahina ang paglabas ng ihi sa isang lalaki. Ang mga sumusunod ay pwedeng may kinalaman dito.

See: Kaunti ang Lumalabas na Ihi

Prostate enlargement o paglaki ng prostate gland

Prostatitis o pagkakaroon ng infection sa prostate

UTI (Urinary tract infection)

Barado ang daluyan ng ihi

Lunas at Gamot

Mahalaga na ipakonsulta sa isang doktor ang anumang sintomas sa pag-ihi. Tanging ang doctor lamang ang pwedeng gumawa ng tests kung ang problema ay may kinalaman sa prostate, bladder o penis.

May ilang kaso na nalulunasan ng antibiotics para sa pamamaga ng prostate. Ang gamot ay hindi basta pwedeng bilhin o gamitin kung walang rekomendasyon ng isang doktor.

Sintomas

Mahina ang paglabas ng ihi

Hirap lumabas ang ihi

Naiihi pero konti ang lumalabas

Matagal dumaloy ang ihi

Doktor Para sa Ihi

Ang isang urologist ang eksperto sa mga sakit na may kinalaman sa pag-ihi. Pwede ring i-konsulta ang anumang sintomas at problema na may kinalaman sa ari ng lalaki.



Last Updated on November 27, 2023 by admin

Home / Sakit Sa Ihi / Mahina Ang Labas ng Ihi – Dahilan at Gamot