Mahapdi Ang Kilay At Gilid Ng Ilong – Mainit Na Pakiramdam Sa Balat

Ang kilay mo ba ay nakakaramdam ng parang mahapdi? Ito ay pwedeng mangyari sa kilay na bahagi o kaya naman sa talukap ng mata. Sa ilang tao, pwede ring makaranas ng hapdi sa gilid ng ilong. Ano ang posibleng dahilan nito?

Sintomas ng Masakitna Kilay

Ilan sa mga sumusunod ay pwede mong maranasan:

Mahapdi ang kilay

Masakit ang gilid ng ilong sa balat at mainit

Mainit na pakiramdam sa kilay

Parang napapaso ang kilay at talukap ng mata

Ano Ang Sakit Ko?

Ano ang sanhi ng mahapding kilay? Ito ay posibleng may kinalaman sa iyong balat. Isa sa maaaring sanhi ay pagkakaroon ng dermatitis. Ito ay pagmamaga ng balat na siyang nagbibigay ng mainit o napapaso na pakiramdam. Ilan sa pwedeng dahilan nito ay:

Seborrheic dermatitis

Allergy

Infections

Pwede itong mangyari sa gilid ng ilong o kaya naman sa gilid at likod ng tenga. Ang ilang tao ay nagkakaroon nito at mauuwi sa parang balakubak sa kilay at ilong. Nagtutuklap ang balat at natutuyo.

Ano Ang Sanhi Nito?

Pwedeng ito ay dahil sa allergic reaction o kaya naman sa paghina ng iyong resistensya. Important na ito ay ikonsulta sa isang doktor.

Ano Ang Gamot?

Ang gamot ay dapat na ibigay ng isang doktor. May ilang creams at lotions na ginagamit para matigil ang pamamaga. Ang doktor lamang ang pwedeng magibigay ng mga gamot na ito. Anti inflammatory creams gaya ng steroid lotions ay pwedeng maibigay ng doctor.

Anong Klaseng Doctor Para sa Mahapding Kilay

Ang isang dermatologist ay makakatulong sa mga problema sa balat at buhok. Kumonsulta sa isang doktor para malaman kung ano ang problema mo sa kalusugan. Siya rin ang magbibigay ng tamang gamot para sa iyong karamdaman.



Last Updated on October 11, 2019 by admin

Home / Balat at Skin Treatment / Mahapdi Ang Kilay At Gilid Ng Ilong – Mainit Na Pakiramdam Sa Balat