Magaspang Ang Mata Parang May Buhangin

Masakit ba ang mata mo? Pwede kang makaranas ng parang magaspang na mata kapag ginagalaw ito. Sa ilang pagkakataon, ang ganitong sintomas ay pwedeng dahil sa isang sakit.

Dahilan ng Parang Magaspang Na Mata

Ang dry eyes ay isa sa mga posibleng dahilan nito. Kung ikaw ay may natutuyong mata, laging nasa malamig na lugar gaya ng may aircon, o kaya naman at nasa maalikabok na lugar, pwede itong mangyari.

Sa ilang tao, ang pagkakaroon nito ay posibleng dahil sa mga sakit tulad ng blepharitis ang Sjögren’s syndrome o kaya naman ay lupus.

Mga Sintomas ng Magaspang Na Mata

Parang may alikabok sa mata o buhangin

Magaspang ang mata kapag pumipikit o dumidilat

May parang puwing sa mata

Masakit ang mata at mahapdi

Parang natutuyo ang mata

Namumula ang mata at masakit

Gamot sa Magaspang na Mata

Ang dry eyes ay isang kondisyon na pwedeng malunasan. Umiwas muna sa malalamig na lugar gaya ng kwarto na may aircon. Importante rin na palaging hydrated and mga mata. May ilang eye drops na nagbibigay ng ginhawa para sa natutuyong mata.

Doctor Para sa Parang Buhangin sa Mata

Ang isang ophthalmologist ay makakatulong para mabigyan ng lunas ang iyong sintomas. Magpatingin sa isang espesyalista upang malaman kung kailangan mo ng gamot. Ang ilan ay pwedeng mag recommend ng eye drops, contact lens o kaya salamin.

References: NHS