Madali ka bang makalimot? Ito ay may mga dahilan na dapat bigyan pansin. Ang pagiging makakalimutin ay nakakaabala sa buhay. Kung ito ay may kinalaman sa isang sakit, dapa itong matingnan ng doctor.
Dahilan ng Mabilis Makalimot
Ang taong madaling makalimot ay posibleng may sakit o kaya naman ay dahil sa external environment o lifestyle. May ilang pagkakataon na dahil ito ay sa sakit gaya ng pagkakaroon ng brain tumor o cancer. Sa isang banda, pwede rin itong dahil sa hindi balanse na nutrients, hormones at chemical sa katawan.
Ilang pang posibleng dahilan ng memory loss ay Alzheimer’s Disease o katandaan. Ang trauma sa ulo gaya ng malakas na untog o pagkabagok ay pwedeng magdulot din nito.
Mga Sintomas ng Mabilis Makalimot
Nakakalimutan agad ang mga bagay kahit kakasabi lang
Hindi maalala ang mga bagay
Mabilis mawala ang memory
Hirap mag memorize
Sumasakit ang ulo at madaling makalimot
Gamot Para sa Madaling Makalimot
Kung madalas makalimutan ang mga bagay, may mga supplements na pwedeng makatulong. Importante na ikonsulta muna sa doctor bago gumamit ng kahit anong produkto. Magtanong kung ang isang supplement ay pwede sa iyong kalagayan. Huwag iinom ng kahit ano na walang reseta ng doctor.
Mga Pagkain Para sa Memory o Madaling Makalimot
Ang pagkain ng masustansya ay makakatulong para maging malakas ang memory.
References Mayoclinic