Madaling Mabusog Kahit Konti Lang Ang Kinain

Mabilis ka ba mabusog? Kung ito ay nangyayari sayo kahit konti pa lang ang kinakain mo, maaaring may medical condition ka na dapat bigyang pansin. Ang mabilis na pagkabusog ay pwedeng magkaroon ng komplilasyon kung hindi maagapan.

Ano Ang Sintomas Nito?

Madaling mabusog ang pakiramdam kahit kaunti lang ang kinain

Mabilig mabusog kahit gutom

Madali mapuno ang tiyan

Pakiramdam na parang busog agad sa konting pagkain

Parang may hangin o kabag sa tiyan matapos kumain

Ano Ang Dahilan ng Mabilis Mabusog?

Ang taong may ganitong kondisyon ay pwedeng dahil puno ng hangin ang tiyan. Sa mga taong may acid reflux o hyperacidity, pwede silang makaranas ng mabilisang pagpuno ng tiyan.

Sa mga taong may problema sa pagdumi gaya ng irritable bowel syndrome, pwede rin itong maranasan dahil laging active ang kanilang stomach. O kaya naman pwede ito mangyari kung hirap sa pagdumi o may constipation.

Sa ibang tao, ang pagkakaroon ng ganitong sintomas ay pwedeng dahil sa cancer. Importante na malaman agad kung ano ang dahilan nito upang maagapan.

Ano Ang Dapat Gawin?

May gamot ba sa madaling mabusog? Ang importanteng gawin ay kumonsulta agad sa doctor kung ikaw ay nakakaranas ng kakaiba sa iyong kalusugan. Dito magagawa ang ilang tests upang malaman kung ano ang sanhi ng iyong health problem.

Ang doctor ay magbibigay ng posibleng gamot o treatment para malaman ang iyong sakit.

Ang Ang Pwedeng Mangyari?

Dahil sa mabilis kang mabusog, pwedeng maging kulang ang iyong kinakain. Dahil dito, pwedeng magkulang ka rin sa nutrisyon na importante para sa malusog na katawan.

Doctor Na Dapat Konsultahin

Ang isang gastroenterologist ay doctor para sa digestive system. Siya ang dapat mong tanungin kung ano ang dahilan ng iyong karamdaman. May ilang pagkakataon na pwede ka niyang bigyan ng tests para malaman kung ikaw ay may sakit sa tiyan gata ng ulcer, tumor at iba pa.



Last Updated on December 16, 2019 by admin

Home / Sakit sa Sikmura at Tiyan / Madaling Mabusog Kahit Konti Lang Ang Kinain