Palagi ka bang nakakaranas ng uhaw kahit na nakainom ka na ng tubig? May ilang dahilan kung bakit ito nangyayari. Dapat mong alamin kung ano ang sanhi nito upang hindi maapektuhan ang iyong kalusugan. Ang uhaw ay pwedeng ordinaryong dahilan lamang o kaya naman ay sintomas ng isang sakit.
Sintomas ng Madalas na Pagkauhaw
Ang uhaw ay isang senyales ng katawan na ikaw ay dapat nang uminom. Ilan sa posibleng dahilan nito ay ang mga sumusunod:
- Madalas mauhaw kahit walang ginagawa
- Hindi makatulog dahil sa uhaw
- Nauuhaw kahit uminom ng tubig
- Palaging nanunuyo ang lalamunan
- Hirap makalunok dahil sa uhaw
Mga Dahilan ng Palaging Uhaw
May ilang sakit o karamdaman ang pwedeng maging sanhi ng uhaw. Ang diabetes as isang posibleng dahilan na dapat ikonsulta sa isang doktor. Ang mataas na blood sugar level ay dapat na bigyan ng pansin at ang isang sintomas nito ay ang pagkauhaw ng madalas.
Ang dehydration ay pwede ring magdulot ng madalas na uhaw. Ito ay ang kakulangan ng fluids sa katawan na siyang nagbibigay ng maayos na kalusugan. Importante na ikaw ay uminom ng tubig kung dehydrated.
Panahon ang isa pang dahilan ng pagkauhaw. Tuwing tag-init o summer, ang katawan ay naglalabas ng pawis na siyang bumabawas sa tubig sanhi ng pagkauhaw.
Mga Dapat Gawin Sa Sobrang Uhaw
Ang diabetes ay dapat na ikonsulta sa isang doktor dahil may mga paraan upang ito ay malunasan. May mga gamot na dapat inumin at mga bagay na dapat gawin para ma-treat ang diabetes.
And simpleng pag-inom ng tubig ay makakatulong na sa dehydration o sa mainit na panahon. Sigurihin na may sapat kang tubig sa katawan upang hindi mauhaw at manghina.
Mga Dapat Iwasan
Iwasan ang masyadong maalat na pagkain dahil ang asin o sodium ay pwedeng magdulot ng dehydration. Huwag ring magbabad sa araw o kaya pumunta sa mainit na lugar ng matagal. Kung ikaw ay may kumpirmadong diabetes, itanong sa iyong doktor kung ano ang mga dapat gawin, gamot at pagkain na bagay sa iyong kondisyon.