Madalas Mawalan ng Malay – Sanhi at Posibleng Sakit

Palaging nawawalan ng malay? Ang ganitong klase ng sintomas ay posibleng dahil sa ilang karamdaman. Ngunit mas importante na malaman mo kung ano ang tanging dahilan ng pagkawala ng malay.

Ano Dahilan ng Nawawalan ng Malay

May ilang mga health conditions na pwedeng maging sanhi ng palaging nawawalan ng malay o nahihimatay. Ilan sa mga ito ay:

Hypoglycemia

Stress

Anxiety

Trauma

Problema sa puso

Probelam sa daloy ng dugo

Cancer

Tandaan na hindi dahil ikaw ay nahimatay ay ibig sabihing meron kang sakit. Mahalaga na ikaw ay kumonsulta sa isang doctor upang malaman ang dahilan ng madalas na pangyayaring ito.

Mga Sintomas

Iba iba ang sintomas sa bawat tao na madalas mawalan ng malay. Ilan sa mga ito ay posibleng maranasan.

Bigla nawawalan ng malay

Hinihimatay palagi ng walang dahilan

Biglang tumumba at nawalan ng malay

Nahihimatay kapag natatakot

Hinihimatay kapag mkay nerbyos

Mga Dapat Gawin Kapag Madalas Mahimatay

Isa sa posibleng masamang epekto nito ay injury. Sa matatanda, maaaring mauntog o matamaan sa matitigas na bagay kapag ang tao ay nahimatay nang bigla. Importante na sila ay masuportahan kaagad kapag ito ay nangyari.

Gamot sa Palaging Nahihimatay

Ang gamot para sa palaging nawawalan ng malay ay depende sa diagnosis ng isang doktor. Hindi pare-pareho ang dahilan nito kaya important na makonsulta ang isang doctor para makagawa ng tests.

Halimbawa, ang taong may low blood sugar ay maaaring bigyan ng gamot at irekomenda na magbago ng diet.

Sa mga tao naman na may sakit sa puso, hypertension at madalas na mattas ang blood pressure, may mga gamot din na ibinibigay ang mga doctor.

Doctor Para sa Nawawalan ng Malay

Depende sa iba pang sintomas, ang doctor sa puso a isang cardiologist. Kung ang dahilan naman ay low blood sugar, ito ay para sa endocrinologist. Samantalag, ang doctor para sa utak ay neurologist.

Sa paunang konsultasyon, maaari itong ipagbigay alam sa isang family medicine o internal medicine na doctor.

References: WebMD



Last Updated on July 23, 2020 by admin

Home / Sintomas ng Mga Sakit / Madalas Mawalan ng Malay – Sanhi at Posibleng Sakit