May mabahong amoy ba ang iyong ari? Ang mga lalaki na hindi masyadong malinis sa katawan ay pwedeng magkaroon ng mabahong ari. Ito ay nangyayari kapag naiipon ang mga dumi sa uten o di kaya naman ay kapag may dumi na naiwan sa balat kung hindi pa tuli.
Mga Sintomas
Sa mga kalalakihan na may mabahong ari, ang mga sumusunod ay pwedeng maranasan:
- May amoy ang titi kahit naligo na
- Mabaho ang titi at basa
- May puti puti na mabaho sa balat ng titi
- Namamaga at namumula ang titi na may mabahong amoy
Sanhi
Ang dahilan ng mabahong ari ng lalaki at pwedeng iugnay sa pangkalinisan. Kung ikaw ay hindi naghuhugas ng ari, ito ay pwedeng pagmulan ng masangsang na amoy dahil sa mga mikrobyo. Ang ari ng lalaki na hindi pa tuli ay posible ring maging mabahoi kapag hindi natanggal ang natirang semilya o tamod sa balat nito. Ito rin ay tinatawag na kupal na kung saan ang amoy ay pwedeng manggaling.
Sa isang banda, may mga posibleng sakit na pinagmumulan ng mabahong amoy ng ari. Kung ikaw ay may STD o sexually transmitted disease, pwedeng maging mabaho ang ari dulot ng sugat, pamamaga, pagdurugo o pagkakaroon ng nana na mabaho.
Ano Ang Dapat Gawin
Ang simpleng paglilinis ng ari ay makakatulong na para maiwasan ang mabahong amoy. May mga musculine wash o sabon para sa titi na nabibili sa botika at grocery stores. Siguruhin na hugasan ang ari hanggang sa bayag upang maalis ang amoy.
Kung ikaw ay may iba pang sintomas ng sakit, mabuting ipakonsulta ito sa isang doktor. Ang mga infection sa ari ng lalaki at pwedeng magdulot ng amoy. Bantayan ang iyong kalusugan para sa iba pang sintomas. Ang lagnat, pananakit ng ari kapag umiihi, masakit kapag naglalabas ng semilya o kaya pagdurugo sa ari ay mga sintomas na dapat ipa check up.