Nahihiya ka ba dahil mabaho ang hininga mo? Hindi ka nag-iisa dahil maraming tao ang may problema sa kanilang bad breath. Kung ito ay palaging nangyayari sayo, dapat mong alamin kung bakit ito nangyayari. Sa ganitong paraan, pwede ka makahanap ng lunas para tumigil ang mabahong hininga.
Sintomas
- Mabaho ang hininga kapag nagsasalita
- May amoy ang hininga na parang bulok
- Mabaho at amoy panis na laway ang hininga
- Amoy metal o kemikal ang hininga
Ano Ang Sanhi ng Mabahong Hininga?
Ang amoy ng iyong hininga ay hindi lamang nanggagaling sa iyong bunganga. Pwede rin ito magmula sa iyong sikmura at tiyan. Ilan sa posibleng dahilan kung bakit meron ka nito ay ang sumusunod:
- May bulok na ngipin
- May nana ang ngipin o impeksyon
- May impeksyon o sugat sa gilagid
- May impeksyon sa bunganga gaya ng dila at ngalangala
- Ang hyperacidity o acid reflux ay pwede rin maging sanhi nito
- Sobrang gutom
- May sakit sa sikmura
- Mabahong pagkain at inumin
Paano Ito Gagamutin?
May solusyon para sa mabahong hininga? Ang pag-toothbrush ng kahit dalawang beses sa isang araw ay makakabawas sa baho ng hininga. Iwasan din ang mga pagkain na may matapang na amoy gaya ng bawang. Ipa check palagi ang ngipin upang maayos agad ang kahit anong bulok na parte. Pumunta sa isang doktor kung ikaw ay palaging may sakit sa tiyan.
Toothpaste at Mouth Wash
May ilang produkto na nabibili para sa bad breath. Ilan sa mga ito ay mouthwash at toothpaste. Ngunit may ilang candy rin at chewing gum na pwede makabawas sa mabahong hininga.
Gamot Para sa Mabahong Hininga
Pwede kang magpakonsulta sa isang dentista upang mabigyan ka ng tamang gamot sa bad breath. Huwag susubok ng kahit anong produkto na hindi kilala o hindi rekomendado ng isang dentista o doktor.