Ang pagpapawis sa butas ng puwet ay normal lamang. Ito ay nangyayari kung ikaw ay matagal na nakaupo. Ngunit may ilang problema sa kalusugan na pwedeng magdulot nito.
Impeksiyon
Ang pagkakaroon ng fungal infection sa puwet ay pwedeng magdulot ng pangangati at pagpapawis nito ayon sa HealthMatch. Sa ganitong paraan maaaring magkaroon ng mabahong amoy ang bahaging ito.
Almoranas
Ang almoranas ay isang kondisyong kung saan ang parte ng bituka sa loob ay maaaring lumabas sa puwet. Ito ay nagagamot at dapat na ipatingin sa doktor kung lumalala at may dugo.
Kalinisan
Ang malinis na pangangatawan ay importante. Kung ikaw ay hindi nakapaghugas ng maayos matapos dumumi, maaari itong mag-iwan ng dumi sa iyong puwet at maging sanhi ng mabahong amoy. Ito rin ang posibleng maging dahilan ng pagdami ng bacteria at fungus.
Ang mga sumusunod ay posibleng mga sintomas na pwedeng maranasan:
- May amoy na mabaho ang butas ng puwet
- Mamasa-masa ang puwet
- Makati ang labasan ng tae
- Parang may tumutusok sa butas ng puwet
- Nagpapawis ang hiwa
- Mahapdi na butas
Ang simpleng paglilinis ng katawan ay sapat na para hindi magkaroon ng mabahong amoy ang pwet. Ngunit sa mga kondisyong may kinalaman sa impeksiyon ay almoranas, dapat itong matingnan ng isang doktor.
Importante na maging alerto tayo sa kalusugan. Dapat mong bantayan kung ang iyong dumi ay mag pagdurugo na pwedeng maging sanhi ng isang sakit. Maliban sa amoy, importante rin na maging mapagmatiyag sa mga bagay sa ating sariling kalusugan.