Nahihirapan ka na ba sa sitwason mo na palaging mababaw ang tulog? Importante sa isang tao na magkaroon ng sapat na oras ng pagtulog. Ito ay nakakatulong para mag-repair ng katawan at maging healthy. Ngunit may mga pagkakataon na ang pagtulog ay masyadong mababaw at madali kang magising.
Ano Ang Mga Sintomas?
- Laging mabilis magising
- Hindi agad makatulog sa gabi
- Mabilis magising sa konting ingay
- Hirap makatulog kapag nagising na
- Nagigising sa gitna ng gabi
Mga Dahilan
Ang sanhi ng mababaw na pagtulog ay iba iba depende sa katawan ng tao. Ngunit may ilang mga sintomas na pwedeng dahil sa alinman sa mga sumusunod: stress at pagod, pagtanda at abnormal na tulog, pagbabago sa hormone, sakit na hindi pa nalalaman, pagiging buntis, menopause, imbalance sa mga kemikal sa katawan.
Paano Ito Magagamot?
Ang pagtulog ay pwedeng suportahan ng mga gawain. Halimbawa, pwede kang uminom ng mainit na gatas bago matulog para maging mahimbing ang tulog mo. Pwede ka rin magbasa ng libro o kaya manood ng mga video na pampakalma.
May mga nabibiling sleeping pills sa botika ngunit dapat mong siguruhin na may reseta ka mula sa doktor bago gumamit ng mga ito. Huwag iinom ng kahit anong gamot kung walang payo ng doktor.
Ano Ang Doktor Sa Pagtulog
Pwede kang magpacheck up sa mga doktor na general medicine o family medicine. May mga espesyalista para sa tulog na pwede nilang i-refer sayo. Kung ikaw ay nag-aalala sa iyong mabilis na paggising, sumangguni sa isang doktor.
Mga Pagkain Pampatulog
May ilang pagkain na nagbibigay ng pampatulog na epekto gaya ng gatas. Meron itong melatonin na pwedeng makatulong sa iyong tulog.