Maasim ba ang lasa mo sa iyong hininga? Importante na malaman mo kung ano ang dahilan nito dahil maaaring may kinalaman ito sa iyong sikmura. Ang pangangasim ng dighay at hininga ay pwedeng dahil sa isang sakit na hindi pa nalalaman.
Ano Ang Mga Sintomas ng Maasim na Hininga?
Maasim ang iyong dighay matapos kumain
Maasim ang lasa ng iyong hininga at laway
Dumidighay ng maasim na hangin
Bakit Ito Nangyayari?
Ang pangangasim ng hininga ay pwedeng dahil sa mataas na acid sa sikmura. Ito ay pwedeng dahil sa Acid Reflux o kaya naman ay hyperacidity. Ang mga taong may mataas na acid sa stomach ay pwedeng umakyat hanggang sa throat at magbigay ng maasim na hininga.
Mga Sakit Na May Relasyon Sa Hininga
Ang iyong hininga ay pwedeng magkaroon ng mabahong amoy na may maasim na senyales. Ito ay pwedeng dahil sa mataas na acid sa tiyan na siyang umaakyat sa iyong bunganga. Kung ikaw ay palaging nagugutom o kaya naman ay may hyperacidity, ito ang pwedeng mangyari.
Sa ilang tao, ang pagkakaroon ng Acid Reflux ay pwede ring maging dahilan ng maasim na bunganga at hininga. Ito ay dahil sa pag-akyat ng acid na pwede ring magbigay ng madalas na pagdighay, pagsakit ng lalamunan o kaya naman pagsusuka.
Ano Ang Gamot sa Hyperacidity?
Madaming nabibiling hyperacditiy tablets o antacids sa botika. Itanong sa pharmacist kung ano ang bagay sa iyo. Importante na kumonsulta sa isang doctor kung malala na ang nararamdaman mong sintomas o kaya hindi nawawala sa paggamit ng antacids na over the counter.
Ano Ang Posibleng Sakit?
Isa sa posibleng sakit dulot nito ay Acid Reflux. Pwede ring ito ay dahil sa malalang hyperacidity ay kung minsan dahil sa cancer. Kumonsulta sa isang doctor kung may nakakabahala kang sintomas.
Anong Klase ng Doctor ang para sa Maasim na Hininga?
Ang isang gastroenterologist ay pwedeng konsultahin para sa iyong sintomas. Importante na ikaw ay matingnan ng isang espesyalista kung ang sintomas mo ay hindi nawawala.
Mga Dapat Iwasan na Pagkain
Pansamantala, iwasan ang pagkain na nakakadulto ng mataas na acid sa sikmura gaya ng caffeine, acidic na pagkain at alcoholic drinks.