Naaamoy mo ba na umaasim ang kilikili mo? Ito ay pwedeng mangyari sa lalaki at babae it importante na malaman ang dahilan nito. Ang pag asim ng kilikili ay isang uri ng sintomas na pwedeng may kinalaman sa iyong kalusugan.
Mga Palatandaan at Sintomas
Ang isang tao na palaging nagpapawis ay pwedeng makaranas ng maasim na amoy o body odor. Ito ay pwedeng mangyari sa kilikili, paa at singit.
Maasim ang amoy ng pawis sa kilikili
Mabaho ang kilikili dahil sa pawis
Nagpapawis ang kilikili kahit hindi mainit
Nangangasim na amoy ng pawis sa katawan
Makati at pawisin ang kilikili
Ano Ang Sanhi Nito?
Ang pagpapawis ay natural na reaksyon ng katawan sa init. Kung maraming bacteria sa iyong balat, ito ay pwedeng maging sanhi ng maasim na amoy. Ang kilikili ay madalas magpawis kaya ito rin ay pwedeng magkaroon ng mabahong amoy.
Ang ilang sakit ay pwede ring makaapekto sa amoy ng iyong katawan. Ang pagkakaroon ng mga problema sa liver, atay, kidney o kaya sa dugo ay pwedeng maging sanhi ng amoy sa kilikili at pagpapawis.
Kung ang kilikili mo naman ay may infection gaya ng bacteria o fungus, malaki ang chance na ito ay magkaroon ng maasim na amoy.
Solusyon o Lunas
Paano gamutin ang maasim na kilikili? Importante na ito ay manatiling malinis. Maligo araw araw at siguruhing walang infections ang kilikili mo. Gumamit din ng deodorant na anti-perspirant para mas maiwasan ang sobrang pagpapawis.
Doctor Para sa Kilikili
Kung ang iyong problema ay dahil sa balat at pagpapawis, pwede itong ikonsulta sa isang dermatologist. Malalaman dito kung ang iyong pangangamoy ay dahil sa infection sa balat.
Mga Pagkain na Dapat Iwasan?
Depende sa diagnosiss, may ilang pagkain na pwedeng nagdudulot ng mabahong kilikili dahil sa pawis. Ilan sa mga ito ay alcoholic drinks. maanghang o maasim na pagkain o yung maraming preservatives.
References: Medical News Today