Losartan – Impormasyon at Para Saan

Para saan ang Losartan?

Ang losartan ay binibigay ng doktor bilang isang maintenance na gamot para sa hypertension at may mga high blood pressure.

Kailangan ba ng reseta para sa Losartan?

Oo, kailangan ng reseta ng doktor para sa gamot na ito. Ang doktor lamang ang pwedeng magreseta ng gamot bago ito inumin.

Paano Inumin ang Losartan na Gamot?

Ang Losartan ay pwedeng inumin na may laman ang tiyan o kahit wala. Inumin ang isang tableta at isang basong tubig.

Ano ang Side Effects nito?

May ilang reports ng side effects ng losartan. Ilan sa mga ito ay pagkahilo, parang nakalutang ang ulo o lightheadedness, allergic reaction at hirap sa paghinga. Kung makaranas ng ganito o iba pang side effects, kumonsulta agad sa doctor.

Ano ang generic name ng losartan?

Losartan mismo ang generic name ng gamot na ito. Pwede kang makabili ng iba ibang brand.

  • Losartan
  • Losartan Potassium

Mga Brand Name ng Losartan:

Ritemed, Pharex, Ecozar, Angisartan, Cozaar, Getzar, Hartzar, Neosartan, Prozar, Wilopres at Zarten, Watsons Generic,

Pwede ba uminom ng Losartan kapag walang laman ang tiyan?

Ang pag-inom ng gamot na ito ay pwedeng makaapekto sa iyong sikmura kung wala itong laman. Makabubuti na may kaunting pagkain na ito para makasiguro. Ngunit ito ay iniinom meron man o walang laman ang tiyan.

Magkano Ang Losartan 50mg

Ang Losartan ay mabibili sa mga botika. Madalas, ito ay nasa presyong mula 11 hanggang 15 pesos. Pumili ng botika na may pinakamurang Losartan brand para makatipid.

Ilang milligrams ang pwede mabili?

Depende sa rekomendasyon ng iyong doktor, ito ay may 25mg, 50mg at 100mg. Ang dosage ng losartan ay dapat na may reseta ng doktor.

Ilang beses dapat inumin ang gamot na ito?

Ang pag inom ng Losartan 50mg ay karaniwang isang beses sa isang araw. Ngunit may mga doktor na nirerekomenda na dalawang beses o kaya naman ay mas mataas na dosage. Siguruhing kumonsulta muna sa doktor bago dagdagan o bawasan ang iyong losartan dosage dahil baka magkaroon ng adverse side effects sa iyo.

Magkano ang isang tablet? Saan Nakakabili ng Losartan?

Narito ang ilan sa Losartan Price Philippines

  • Mercury Drug – 11 hanggang 15 pesos depende sa brand
  • Rose Pharmacy – 12.50 per tablet
  • Watsons
  • Southstar Drug
  • Medexpress
  • Generics Pharmacy

Ano Ang Pinakamurang Brand ng Losartan sa Pilipinas?

Madalas ang mga generic brands ay mas mura kaysa sa iba.

May discount ba ang losartan sa senior citizen?

Oo. Gamitin ang iyong ID para makakuha ng discount at promos. Dalhin ang iyong senior citizen booklet.

Tuwing anong oras ito iniinom?

Ang Losartan ay iniinom ayon sa rekomendasyon ng doktor. Maaring iba ang instruction sa iyo ng doctor pero madalas ito ay iniinom tuwing umaga. Pero may ilang doktor na pinapayong inumin ito bago matulog dahil baka ikaw ay mahilo ayon sa NHS.

Pwede ba sa bata ang Losartan? Safe ba ito sa mga buntis?

Ang Losartan ay pwedeng inumin mula 18 years old pataas. Sa mga bata, ito ay ginagamit mula 6 years old pero kung may rekomendasyon lamang ng doktor.

*Ang impormasyon na nakalagay dito ay maaaring hindi accurate o updated. Ito ay general reference lamang na mula sa research online.

Sources: NHS, Drugs.com, WebMD