Leeg Na Sumasakit – Paano Ito Lunasan?

Ang leeg ay pwedeng sumakit kapag ito ay ginagalaw. Ang mga taong meron nito ay posibleng may maramdaman sa muscles o sa loob mismo ng lalamunan. Importante na malaman mo ang dahilan ng ganitong sintomas.

Ano Ang Mga Sintomas Na Nararamdaman?

Ang leeg ay posibleng sumakit sa iba’t ibang bahagi nito. Ilan sa mga posibleng sintomas ay:

  • Masakit sa gilid ng leeg
  • Sumasakit kapag yumuyuko o tumitingala
  • Masakit na harap ng leeg kahit hindi gumagalaw
  • May bukol na masakit kapag hinahawakan

Ano Ang Sanhi Ng Masakit Na Leeg?

Ang isa sa pinakakaraniwang dahilan ay stiff neck. Ito ay nangyayari kapag ang muscles sa leeg ay biglang pinulikat o nagkamali ng posisyon sa paggalaw. May ilang activities na pwedeng magdulot nito gaya ng swimming, exercise, pagbuhat sa weight training o maling posisyong ng pagtulog.

Sa isang banda, pwede ring sumakit ang bahagi na ito kung meron impeksyon sa loob ng leeg. Sa bandang harap, pwede ito sumakit dahil sa tonsillitis o kaya hyperacidity (acid reflux). Kung sa gilid ng leeg ay may bukol na masakit, ito ay pwedeng dahil sa kulani na namamaga.

Iba Pang Dahilan

May mga sakit na pwedeng maging sanhi ng naipit at masakit na leeg:

  • Stroke
  • TMJ Syndrome sa panga
  • Sipon at ubo
  • Maling posisyon ng paghiga

Ano Ang Lunas?

Ang gamot para sa ganitong sintomas ay posible lamang kung alam mo na ang dahilan. Sa stiff neck, simpleng pahinga at konting masahe nang dahan dahan ay nakakaginhawa na. May mga oils at creams na pwedeng gamitin para mapawi ang sakit.

Samantala, ang sintomas ng impeksyon ay dapat na matingnan ng isang doktor upang magamot. Kung may ibang sintomas ka gaya ng lagnat, panghihina, pagsakit ng ibang bahagi ng katawan o pagsusuka at pagkahilo, mabuting pumunta sa isang doktor.

Anong Klaseng Doktor Para Sa Leeg?

Ang isang ENT na doktor ay pwedeng tumingin sa ganitong sintomas. Kung sa tingin mo ay meron kang impeksyon, agad itong sabihin sa isang propesyunal.

 



Last Updated on March 22, 2018 by admin

Home / Mga Sakit At Sintomas Nito / Leeg Na Sumasakit – Paano Ito Lunasan?