Naiinis ka ba na palaging may pumapasok na tinga ng pagkain sa iyong ngipin? Kung ikaw ay parating nakakaranas nito, important na mapasuri mo ang iyong ngipin upang malaman kung may sira. Ito ay pwedeng magbigay sa iyo ng cavities at pagkabulok.
Sintomas sa Ngipin na Sira
Kung ang iyong ngipin ay may butas, ito ay pwedeng mapasukan ng tinga ng pagkain na lalong magpapalala. Ito ay pwedeng sumakit o makaranas ng parang may tumutusok sa loob ng ngipin. Kapag ang pagkain at bumara sa butas, ito ay pwedeng tumama sa nerves na siyang magpapasakit ng ngipin.
Ano Ang Dahilan Ng Palaging Natitinga
Ang tinga ay normal na nangyayari sa pagitan ng mga ngipin. Ngunit kapag ang ngipin ay may butas, pwede itong pasukan ng mga pagkain na siyang magdudulot na lalong pagkabulok kapag tumagal. Ito rin ang magbibigay ng pananakit na pakiramdam.
Paano Ito Gagamutin
Importante na ikaw ay pumunta sa isang dentista upang matakpan ang butas. Ang pasta ang unang gagawin ng isang dentista upang matakpan ang butas na ito. Kung ikaw ay nagpatingin na sa dentista, itanong kung ano ang dapat gawin para hindi na ito mangyari ulit.
Mabubulok Ba Ang Ngipin Kapag may Tinga?
Ang tinga ay pwedeng magdulot ng pagkasira ng ngipin kapag ito ay tumagal sa loob ng mga butas at pagitan. Ugaliin na tanggalin ang mga tinga upang hindi ito makaapekto sa iyong oral health.
Mga Dapat Gawin Para Hindi Matinga
Ang tinga ay pwedeng matanggal ng dental floss. Ugaliin rin na magsepilyo ng maigi upang matanggal lahat ng pagkain na bumabara sa ngipin.