Laging May Kulangot Sa Umaga Pag Gising

Nararanasan mo na na palagi kang may matigas na kulangot kapag nagising sa umaga? Ito ay isang sintomas na pwedeng may kinalaman sa iyong paghinga at kalusugan. Importante na alamin mo kung ano ang sanhi nito.

Sintomas ng Kulangot sa Umaga

Ang mga taong nakakaranas nito ay pwedeng makaranas ng mga sumusunod:

Matigas na kulangot sa ilong kapag umaga

Puno ng kulangot ang ilong pagkagising

Naninigas na kulangot at hirap huminga

Barado ang ilong sa umaga na may kulangot

Sanhi at Dahilan

Isa sa posibleng sanhi nito ay respiratory problems. Kung ikaw ay may allergic rhinitis, pwedeng mapuno ng kulangot ang ilong mo sa umaga. Ang mucus ay pwedeng mapondo magdamag habang natutulog.

Ang isa pang posibleng dahilan ay malamig na panahon. Kapag ikaw ay may kaunting sipon, pwede itong tumigas at maramdaman sa umaga.

Infection sa ilong ay pwede ring magdulot ng ganitong sintomas. Alamin kung ikaw ay may sipon o iba pang infections.

Ano Ang Dapat Gawin

May gamot ba para sa maraming kulangot? Importante na palakasin mo ang iyong resistensya para hindi magkaroon ng infection sa ilong.

Siguruhin rin na malinis ang hangin sa iyong kwarto. Pwede kang gumamit ng ilang portable humidifier at air filters o kaya naman ay aircon para mas maging malinis ang hangin. Ang ilang kulangot ay pwede ring sanhi ng alikabok at iba pang pollutants sa paligid.

Doctor Para sa Madalas na Kulangot

Ang pagkakaroon ng kulangot ay isang kondisyon na normal lamang sa lahat ng tao. Ngunit kung ito ay nakakasagabal na sa iyong paghinga, pwede itong ipasuri sa isang pulmonologist o kaya naman sa isang ENT doctor.