Laging Kinakabahan at Ninenerbyos Mga Sanhi

Palaging kinakabahan ba ang problema mo? May mga tao na pwedeng makaranas nito kahit walang dahilan. Minsan, ito pa ang nagiging sanhi para magkaroon ng depression. Kung ito ay palaging nangyayari sa iyo, marapat na alamin mo ang posibleng dahilan.

Bakit Laging Kinakabahan

Ano ang mga dahilan ng biglaang nerbyos o kaba? Ang ganitong pakiramdam ay madalas mangyari sa mga taong may panic attack o anxiety attack. Ang mga ito ay behavior disorders na kung saan pwede ka makaranas ng mga kaba ng walang dahilan.

See: Consultation Sa Doktor

Isa sa posibleng dahilan ng anxiety attacks ay kakulangan ng ilang chemicals sa brain o kaya sobra naman at imbalance ang iba sa mga ito. Dapat mo itong ipakonsulta sa isang doktor gaya ng neurologist.

Ano Ang Gamot

May mga gamot na pwedeng ibigay sa iyo ang isang doktor. Ang mga ito ay nagbibigay ng kalma at nagbabalanse ng kemikal sa utak kung kinakaingan. Uminom lamang ng mga gamot na binigay at nireseta ng isang doktor.

See: Doktor sa Kinakabahan

May ilang tao na nakakarecover sa panic at anxiety attacks sa pamamagitan ng therapy. Kasabay ng gamot, ito ay mabisa para bumalik sa normal ang iyong pakiramdam.

Ang pagbiyahe, meditation at pag-exercise ay nakakatulong rin sa ganitong problema.

Ano Ang Mga Sintomas Ko?

  • Palaging kinakabahan
  • Madalas nerbyosin
  • Palaging nininerbiyos kahit walang dahilan
  • Biglaang kaba at taranta
  • Palaging nagpa-panic at natataranta
  • Nanghihina at parang mababaliw

Alamin Kung Anxiety Attack Ito

Sa isang banda, ang mga trauma sa buhay ay pwede rin magdulot ng anxiety attacks. Halimbawa, ang pagpanaw ng mahal sa buhay, pagkawala ng trabaho o pagkakaroon ng malalang sakit ay pwede magdulot nito.

Ano Pa Ang Ibang Pwede Mangyari?

Sumasakit ang ulo

Nahihilo

Balisa at parang mababaliw

Kinakabahan

Paninikip ng dibdib o parang hirap sa paghinga

Nanginginig

Anong Doktor Ang Para Sa Taranta?

Pwede kang kumonsulta sa isang neurologist. Kung kailangan, maaari ka rin magtanong sa isang psychiatrist o psychologist para malaman mo kung ano talaga ang sanhi ng iyong behavior at emotional problems.