Laging Dumadahak Parang May Plema Palagi

Nauubo ka ba palagi at parang palaging may plema? Kung ikaw ay madalas na dumadahak, maaaring ikaw ay may namamagang bronchial tube. Kung ito ay may kasamang plema at pag-ubo, maaaring ikaw ay may bronchitis. Ngunit dapat mong malaman na hindi lahat ng ganitong sintomas ay may malalang dahilan.

Sintomas Na Nararamdaman

  • Palaging nadadahak at nauubo
  • Madalas na dumadahak
  • Nauubo palagi pero walang plema
  • May konting plema sa pagdahak
  • Kailangan na umubo palagi
  • Nangangati ang lalamunan at loob ng dibdib

Ano Ang Sanhi Nito?

Ang isa sa posibleng dahilan ng palaging nadadahak ay ang pagkakaroon ng plema. Kung ikaw ay may pag-ubo at may plema, maaaring ikaw ay may respiratory infection. Sa simula, ito ay nangangati at magkakaroon ng plema matapos ang ilang araw.

Sa isang banda, pwede ka rin maubo palagi kung ikaw ay may mataas na acid sa sikmura o hyperacidity. Kapag ito ay umakyat pataas ng esophagus, pwede itong maging sanhi ng pag-ubo. Importante na ito ay matukoy para mabigyan ng solusyon.

Ang pagkakaroon ng asthma at allergy ay posible rin na maging dahilan ng pagdahak at pag-ubo. Pwede mo itong makumpirma sa pagpapacheck-up sa doktor.

Anong Doktor Ang Dapat Tanungin?

Kapag ikaw ay may ubo o problema sa iyong respiratory system, pwede kang kumonsulta sa isang pulmonologist. Kung ang iyong pag-ubo ay may kasamang ibang sintomas, dapat mo itong isangguni sa doktor. Ilan sa mga sintomas na dapat mong bantayan ay pagkakaroon ng lagnat, ubo na hindi nawawala nag lagpas ng dalawang linggo o kaya panghihina, pag-ubo ng dugo at hirap sa paghinga.