Madalas bang may pawis ang alak alakan mo? Ito ay pwedeng dahil sa mga nagkikiskisan na balat. Ngunit importante na ito ay malaman ng isang doktor upang malaman kung ano ang dapat gawin.
Dahilan ng Nagpapawis na Alak Alakan
Ang bahaging ito ng iyong katawan ay pwedeng magkaroon ng pawis dahil sa init. Kung palagi kang nakabaluktot o kaya nakaupo, ito ay pwedeng pagpawisan. Sa ibang tao, ang pagkakaroon nito ay dahil lamang sa kanilang pananamit o kaya panahon.
Mga Sintomas
Laging pinapawisan ang alak alakan o likod ng tuhod
Mahapdi ang alak alakan
May mainit na balat sa alak alakan
Makati at may butlig sa alakalakan
Paano Gamutin
Ang gamot sa ganitong sintomas ay dapat na ikonsulta sa isang doktor. Ang doctor para sa nagpapawis ay pwedeng isang dermatologist. Kung may ibang sintomas gaya ng pagsusugat, pangangati o kaya paghapdi ng balat, pwede itong tingnan ng isang dermatologist.
Mga Dapat Gawin Para Maiwasan
Ang pagsuot ng komportableng damit ay makakatulong sa pagpapawis. Kapag tag init, magsuot ng maginhawang tela gaya ng gawa sa cotton.
Maligo rin araw araw at linisin ang balat para iwan impeksyon. Makakatulong din na maglagay ng corn starch powder na nabibili sa mga botika. Ito ay magibibgay ng ginhawa sa pangangati na gaya rin sa bungang araw.