Sumasakit ba palagi ang kasukasuan mo? Kung ito ay nangyayari nang madalas, dapat mong alamin kung ano ang posibleng sanhi nito. Ang masakit at kumikirot na kasu-kasuan o joints ay hindi dapat balewalain.
Ano Ang Mga Sintomas Sa Kasu-Kasuan?
Ang ilan sa mga posible mong maramdaman na kirot ay pwedeng may kaugnayan sa mga ito:
- Masakit na joints kapag naglalakad
- Masakit at kumikirot ang kasu-kasuan kahit walang ginagawa
- Umiinit and pakiramdam ng kasukasuan
- Masakit na may tumutunog sa mga daliri at paa
Ano Ang Mga Dahilan?
Ang dahilan ng kumikirot na kasu-kasuan at iba-iba. Ngunit ang isa sa pinakadahilan nito ay pagkakaroon ng arthritis. Ang pagkakaroon ng mga uric acid sa iyong joints ay pwedeng mauwi rito at ito ay magdudulot ng pananakit.
Isa pa sa pwedeng dahilan ng makirot na kasu-kasuan at pagkakaroon ng injury. Kung ikaw ay nagkaroon ng bunggo o kaya napilayan, ito ay pwedeng magdulot ng pananakit sa mga susunod na araw. Minsan, hindi kaagad ito nagbibigay ng sintomas.
Ano Ang Gamot sa Makirot na Kasu-kasuan?
Ang doktor lamang ang pwedeng magreseta ng gamot para sa iyong karamdaman. Importante na ikaw ay kumonsulta sa isang doktor gaya ng family medicine o orthopedic surgeon. Sila ang nakakaalam kung ano ang mabisang gamot. Madalas na sila ay pwedeng magbigay ng pain reliever o kaya naman reseta para sa physical therapy sessions. Huwag iinom ng kahit anong gamot kung hindi ito galing sa payo ng doktor.
Mga Dapat Iwasan na Pagkain
May mga pagkain na dapat iwasan kung ikaw ay may arthritis. Isa sa mga ito ay ang mga seeds gaya ng munggo o beans. Ang mga laman loob at beer ay pwede ring magdulot ng arthritis o kaya gout. Important na iwasan muna ang mga ito kung ito ang dahilan ng iyong sintomas.