Kumikibot ba ang talukap ng iyong mata? Kung ito ay madalas mangyari, dapat itong masuri lalo na kung may ibang sintomas na kasabay itong nangyayari. Ang nanginginig na talukap ng mata o eyelids ay madalas na nawawala rin kaagad matapos ang ilang segundo. Ngunit ang madalas at matagal na pagkibot nito ay maaaring may dahilang pangkalusugan.
Ano Ang Mga Sintomas Na Nararamdaman?
- Gumagalaw ng kusa ang talukap ng mata o eyelids
- Kumikibot at nanginginig ang mata sa ilalim na bahagi
- Gumagalaw galaw ang talukap ng mata
- Sumasara ang talukap ng mata ng kusa
Bakit Nangyayari Ito?
Ang paggalaw ng talukap ng mata nang bigla ay may mga dahilan. Ilan sa mga posibleng sanhi nito ay:
- Pag-inom ng caffeine gaya ng sobrang kape, chocolate o softdrinks
- Stress
- Pagod sa sobrang gamit ng mata
- Problema sa nerves
- Side effects ng ilang gamot
Ano Ang Gamot?
Ang pagkibot ng mata ay madalas na hindi naman permanente. Kung ito ay mangyari man, pwede itong mawala ng ilang segundo o minute. Minsan, pwede itong umabot ng ilang araw pero mawawala rin ng kusa.
Sa isang banda, dapat mong ikonsulta ito sa doktor kung may mga kasabay na sintomas ang pagkibot ng mata. Ilan sa mga ito ay magsakit ng ulo, panlalabo ng mata, pagluluha ng mata, masakit na mukha.
Kumonsulta sa isang ophthalmologist o neurologist kung may mga sintomas ka na may kinalaman sa iyong mata.