Kulay Pula Na Butlig Sa Balat – Ano Ang Maliit Na Pula

May nakikita ka bang parang maliit na pula sa iyong balat? Maaaring ito ay bigla na lang lumabas at nakaumbok. Ang mga ganitong sintomas ay dapat na malaman kung ano ang dahilan upang malunasan agad kung ito ay delikado.

Sintomas ng Maliit na Pula sa Balat

Ang sintomas na maaaring magkaroon ka ay ang mga sumusunod:

Maliit na butlig sa balat

Paisa isang red na butlig

Hindi makati pero pulang tuldok sa balat

Hindi masakit na tuldok sa balat

Ano Ang Dahilan Nito?

Ang maliit na tuldok na pula sa balat ay pwedeng isang tinatawag na Cherry Angioma. Ito ay blood vessel na maaaring pumutok at nasa ilalim lamang ng balat. Ang cherry angioma ay pwedeng namamana. Pero ito ay madalas rin na tumubo sa gitna ng katawan o kahit saang parte.

Ang dahilan ng cherry angioma ay pwedeng dahil sa trauma sa balat o kaya naman exposure sa chemicals.

Paano Gamutin Ang Butlig Sa Balat na Red?

Ang pulang tuldok sa balat ay maaaring hindi na kailangan gamutin. May ibang panahon na ito ay nawawala rin. Pero kung ikaw ay desididong ipatanggal ito, pumunta sa iyong dermatologist.

Delikado ba ang Cherry Angioma?

Ito ay hindi naman nagdudulot ng masama sa katawan o balat. Pero kung ito ay biglang nagbago o lumaki, kumonsulta sa isang doctor.

Ano Ang Doctor para sa Balat?

Isang dermatologist ang dapat mong puntahan. Siya ang pwedeng magbigay ng lunas para sa iyong sitwasyon.

References: Healthline



Last Updated on November 12, 2019 by admin

Home / Balat at Skin Treatment / Kulay Pula Na Butlig Sa Balat – Ano Ang Maliit Na Pula