Nakakaranas ka ba ng parang may kilabot sa iyong batok? Ito ay posibleng isang health concern na dapat mong alamin. Sa mga tao na meron nito, ang sensations ay pwedeng makaabala sa normal na gawain o kaya makabahala. Alamin ang dahilan nito.
Dahilan ng Kinikilabutan sa Batok at Likod
Kung ang iyong nararamdaman ay parang mga maliliit na kilabot sa balat, ito ay pwedeng may kinalaman sa cervical spine nerve irritation. Sa mga taong may bulging disc o slipped disk sa bandang leeg, ito ay pwedeng mangyari. Sa English, ito ay tinatawag na Cervical radiculopathy.
Ang diabetes ay pwede ring magdulot ng pamamanhid, pagkilabot at pagkakaroon ng parang insekto sa likod. Kung mataas an iyong blood sugar, pwede itong makaapekto sa nerves.
Paano Gamutin
Ang gamot o treatment sa ganitong sintomas ay depende sa sanhi nito. Halimbawa, ang bulging disc ay madalas na may treatment na naaayon sa physical therapy programs.
See: Klase ng Doktor
Ang ilan naman ay maaaring kailangan ng surgery kung saan tinatanggal ng doctor ang sobrang disc na tumatama sa nerves. Kung ang dahilan naman ay diabetes, may ilang treatment plans na pwedeng irekomenda ng doctor.
Mga Sintomas
Iba iba ang posibleng sintomas sa mga tao kung siya ay may bulging disc sa cervical spine. Ang ilan sa mga ito ay:
Parang may mga langgam sa batok at likod
Nangangawit ang balikat at braso
Mainit ang taas ng likod
Parang namamanhid ang batok at likod
Doctor Para sa Namamanhid na Likod
Ang doktor para sa kinikilabutan na likod ay pwedeng isang neurologist o kaya orthopedic surgeon. Ang ganitong mga klase ng espesyalista ay maaaring sumuri sa mga problema sa nerves, spinal cord at magbigay ng recommendations.
Ang isang endocrinologist naman ay expert sa diabetes na maaaring maging dahilan din ng pagkakaroon ng kinikilabutan o namamanhid na balat.
References: Healthline