Kinikilabutan ang Binti at Hita – Bakit Ito Nangyayari?

May nararamdaman ka bang kinikilabutan na parte ng iyong binti? Ito ay pwedeng mangyari dahil sa mga damage sa nerves. Sa isang banda, ang dahilan ay pwedeng dahil rin sa kapaligiran o mga bagay na nagdudulot ng skin sensations. Mabuting malaman mo kung ano ang sanhi nito.

Ano Ang Sintomas Nito?

May mga taong pwedeng makaranas ng alinman sa mga sumusunod:

Kinikilabutan ang binti at hita

Parang may maliliit na gumagapang sa balat sa hita at legs

May nararamdamang manhid sa binti

May kilabot sa balat ng hita, paa at calf o legs

Ano Ba Ang Ibig Sabihin ng Kilabot sa Binti?

Ang pagkakaroon ng sensation na parang kinikilabutan ay pwedeng isang pakiramdam ng pamamanhid. Ito ay pwedeng mangyari dahil sa damaged na nerves. Kung ang iyong nerve ay tinatamaan, pwede itong magbigay ng pakiramdam gaya ng nabanggit. Ilan sa mga posibleng maging dahilan ng ganitong karamdaman ay:

Herniated disc

Diabetes

Stroke

Iba pang disease sa nerves of kaugatan

Ano Ang Pwedeng Gamot?

Important na malaman muna kung ano ang sanhi ng kinikilabutan na binti. Ang ganitong sitwasyon ay dapat na ipaalam sa doctor lalo na kung madalas mangyari. Ang taong may herniated disc ay posibleng makaramdam din ng ngawit, pamimitig, pagsakit ng binti ay hirap sa pagtayo o paglakad.

Ang isang tao naman na may diabetes ay pwedeng magkaroon ng nasabing sintomas kapag masyadong mataas ang blood sugar level. Ito ay nakakaapekto sa nerves na siyang nagbibigay ng manhid na pakiramdam.

Ano Ang Doctor Para sa Laging Kinikilabutan?

Ang isang neurologist ay pwedeng konsultahin kung ito ay madalas nangyayari. Ang doktor na ito ay expert sa mga ugat at utak. Maaari siyang magbigay ng ilang tests para malaman kung ano ang tunay na dahilan. Ilan sa mga ito ay:

MRI o magnetic resonance imaging

CT Scan

EMG test

Nerve tests

Blood chemistry test at iba pa

Nakakamatay Ba Ito?

Ang isang sintomas ay dapat na ipaalam sa doktor upang maagapan. Ang kahit anong sakit kapag hindi nagamot ay pwedeng mauwi sa kapansanan o kamatayan kapag napabayaan ang komplikasyon.



Last Updated on December 16, 2019 by admin

Home / Mga Sakit At Sintomas Nito / Kinikilabutan ang Binti at Hita – Bakit Ito Nangyayari?