Ang tetano infection o tetanus infection ay isang uri ng karamdaman na kung saan pwedeng maapektuhan ang nervous system at sa mga malalang pangyayari, pwedeng ikamatay ng pasyente. May mga ilang bagay na dapat tandaan kung kailangan ba ng tetano injection.
Ano Ang Tetanus Injection
Ang injection na ito ay para labanan ang anumang tetanus bacteria na pwedeng nakapasok sa katawan ng tao. Ito ay kailangan lalo na kung may malaking pagkakataon na ang infection ay makamatay.
Ano Ang Mga Sintomas ng Tetano
An ilan sa mga posibleng sintomas ay lagnat, pagkakaroon ng matigas na panga, pagkibot o paghigpit ng mg muscles, hirap lumunok at pagka-iritable. May ilan pang sintomas na pwedeng maging senyales ng tetanus infection.
Kailan Dapat Magpa Inject ng Anti Tetano
Ang injection o vaccine ay binibigay sa mga taong may malalim na sugat o kaya madumi ang pinganggalingan ng sugat. Halimbawa, ikaw ay natusok ng pako na marumi, ito ay dapat ipaalam agad sa doktor at huwag balewalain. Madalas na ang sugat ang pangunahing sanhi ng tetanus infection.
Ang tetano ay pwedeng tumagal hanggang 14 days bago lumabas ang iyong sintomas. Ngunit maraming tao na nakakaranas na nito matapos ang ilang araw na masugatan.
Nakakahawa ba ang tetano? Hindi ito nakakahawa ng tao sa tao. Dapat mong puntahan ang iyong doktor kapag ikaw ay nasugatan upang malaman kung kailangan mo ng shots. Magkano ang tetano vaccine? May ilang ospital na binibigay ito ng libre. Sa mga private hospitals, maaarings nasa 250 hanggang 900 ito.