Masakit ba ang ilalim ng paa mo sa unang apak? Sa umaga, pwede itong mangyari lalo na pagbangon mula sa higaan. Kung ito ay nangyayari sa ilalim ng paa at sakong, ito ay dapat gamuting.
Dahilan ng Masakit na Ilalim ng Paa
Ang paa na masakit sa ilalim ay pwedeng dahil sa plantar fasciitis. Ito ay pamamaga ng isa sa mga muscles at tissues sa ilalim ng paa. Pwede ito mangyari dahil sa maling posisyon, paglalakad, katandaan o pagiging overweight.
Sintomas ng Plantar Fasciitis
Pwede kang makaranans ng masakit na sintomas sa paa kapag naglalakad
May parang tumutusok sa ilalim ng paa
Masakit na paa pagbangon sa umaga
Sumasakit ang paa kapag inaapak
Parang binabatak ang ilalim ng paa kapag naglalakad o tumatayo
Masakit ang sakong hanggang sa ilalim ng daliri sa paa
Lunas At Gamot
Ang ganitong karamdaman ay karaniwang nilulunasan ng exercises at stretching. Ang doctor ay pwedeng magibigay ng tamang movements sa paa para mawala ang sakit sa ilalim.
Minsan, ang paay ay pwedeng ihakbang sa hagdan at ma-stretch para mabawasan ang sakit.
References: Mayoclinic
Doctor Para Sa Masakit Na Paa
Ang isang physical therapist ay pwedeng makatulong sa mga pananakit sa muscles at buto. Pwede ka rin kumonsulta sa isang orthopedic surgeon para magbigay siya ng tamang treatment plan. Ang isang podiatrist ay eksperto sa mga paa.