How To Cure Bungang Araw o Prickly Heat

Makati ba ang parte ng balat mo? Kung ikaw ay may nakikitang mga pula o butlig sa balat, pwedeng ito ay bungang araw o prickly heat rash. Pwede mo na ito magamot sa ilang paraan para guminhawa ang iyong pakiramdam.

Paano Gamutin Ang Bungang Araw?

Paano pagalingin ang bungang araw o prickly heat? May ilang paraan para mawala ang bungang araw. Ang isa sa pwedeng magawa ay paglalagay ng corn starch. Dahil dito, ang mga butlig ay pwedeng umimpis at matuyo upang hindi na ito kumati. Importante na ikaw ay gumamit ng corn starch lamang kung wala kang allergy dito.

Ang Calamine lotion ay pwede rin magamit para sa bungang araw. Pwede itong mabili sa mga botika. Ngunit kailangan mong ikonsulta sa isang doktor bago ito gamitin dahil may ilang tao na may allergy sa Calamine Lotion.

Isa pang pwedeng maibigay ng dermatologist ay ang steroid creams. Kapag ang mga luna sa bungang araw na nabanggit ay hindi gumana, maaaring bigyan ka ng doktor ng mga steroid creams para mawala ang pangangati at pamamaga.

Mga Paraan Para Gumaling ang Bungang Araw

May ilang pwede gawin para mabawasan ang pangangati ng bungang araw:

Magsuot ng maluluwag na damit at yung presko

Iwasan na pawisan dahil sa init ng panahon

Huwag muna magbilad sa araw

Huwag kamutin ang mga butlig ng bungang araw

Gumamit ng mg mild soap

Anong Sabon Ang Pwede Sa Bungang Araw?

Ang mild sopas ay dapat na gamitin sa bungang araw. Huwag muna gumamit ng may mga matapang na kemikal.

Ano Ang Doktor Para sa Bungang Araw?

Ano ba ang klase ng doktor para sa bungang araw? Ang isang dermatologist ay pwede mong puntahan para sa bungang araw.



Last Updated on August 13, 2019 by admin

Home / How to Cure / How To Cure Bungang Araw o Prickly Heat