Palagi ka bang naiihi kahit walang dahilan? Kung ikaw ay nahihirapan na pigilan ang iyong pag-ihi, maaaring ikaw ay may dinadalang karamdaman. Kung ito ay nakakaabala na sa iyong araw araw na gawain, dapat mong malaman kung ano ang sanhi ng palaging naiihi.
Mga Sintomas ng Ihi
Palaging naiihi nang wala sa oras
Hirap pigilan ang ihi
Palaging dilaw ang ihi at madalas
Naiihi sa underwear
Hindi mapigilan ang pag-ihi
Mga Posibleng Sanhi
Ang dahilan ng hindi mapigilang pag-ihi ay dapat na isangguni sa doktor. May ilang posibleng dahilan kung bakit ito nangyayari. Una, ang incontinence ay pwedeng dahilan nito. Ito ay isang medical condition kung saan hindi mapigilan ang pag-ihi at kusa itong lumalabas.
Ang incontinence ay pwedeng sanhi ng iba pang karamdaman kaya dapat na ito ay malaman ng doktor. Ilan sa posibleng dahilan nito ay diabetes, cancer sa pantog o iba pang bahagi ng katawan, infection o kaya naman stress. May mga dahilan din na dahil sa katandaan kaya hindi na mapigilan ang ihi.
Ano Ang Dapat Gawin sa Madalas na Pag Ihi
Ang pag-ihi nang madalas ay normal lamang kung ang panahon ay malamig o kaya naman ay palagi kang umiinom ng sapat ng tubig. Kung ang iyong mga sintomas ay napapansin mong hindi na normal, dapat itong ipatingin sa isang doktor.
Kung ang ilan sa mga ito ay dahil sa infection, may mga gamot na pwedeng ibigay ang doktor para malunasan ito. Importante na ito ay may reseta dahil ang antibiotics ay sensitibong mga gamot na dapat may payo ng doktor.
Mga Dapat Iwasan
Kung ang iyong pag-ihi ay dahil sa sobrang pag-inom ng tubig, ugaliin na ikaw ay may sapat na dami ng iniinom kada araw. Ang ilang inumin at pagkain at diuretic din na pwedeng maging dahilan ng paglabasn g mas maraming ihi kaysa normal.