Bakit mahirap bumangon kapag umaga? May ilang dahilan kung bakit masakit ang mga buto buto kapag gising sa umaga. Ang mga dahilan na ito ay dapat mong malaman upang maiwasan ang iba pang komplikasyon at ikaw ay manatiling malusog sa buong araw.
Mga Sintomas ng Masakit na Katawan sa Umaga
Ang paggising sa umaga ay maaaring mahirap para sa ilan lalo na kapag masakit ang katawan. Ilan sa mga sintomas ay:
Masakit na balakang kapag bumangon sa umaga
Masakit na mga kasu kasuan sa umaga
Sumasakit na tuhod at paa kapag gising sa umaga
Nananakit na mga buto sa umaga
Bakit Masakit Ang Katawan Kapag Umaga
Ang hirap sa pagbangon sa umaga at maaaring dahil sa arthritis. May ilang tao na nakakaranas nito lalo na sa mga may mataas na uric acid. Sa mga taong may edad na, ito ay posible ring mangyari dahil hindi na flexible ang mga joints.
Ang pagsakit ng katawan sa pagbangon sa umaga ay pwede rin dahil sa maling posisyon ng magtulog. Ugaliin na maging maayos ang iyong kama at unan sa gabi bago matulog para hindi mastrain ang msucles.
Ano Ang Lunas
Siguruhin na mababa ang uric acid level mo sa iyong katawan. Ito ay nagdudulot ng arthritis at gout. Importante rin na ikaw ay mag-exercise para maging flexible ang iyong katawan at maiwasan ang pananakit. Ang iyong posisyon sa pagtulog ay dapat ring ayusin.