Hindi Madilat Ang Mata Ano Ang Dahilan

Nahihirapan ka bang idilat ang iyong mata? Ito ay magiging sagabal sa iyong pang araw-araw na gawain. marapat na alamin kung ano ang dahilan nito.

Dahilan Bakit Hindi Maidilat Ang Mata

May ilang sanhi ng kahirapan sa pagdilat ng mata. Ito ay maaaring dahil sa foreign body o kaya naman ay infection. Sa ibang sanhi, maaaring may kinalaman ito sa isang sakit lalo na sa may kinalaman sa nerves.

Pagkakaroon ng inflammation o pamamaga

Infected na talukap ng mata sa taas at ibabang bahagi

Mga tumigas na muta

Naiwan na foreign body (puwing, alikabok, insekto)

Nerve diseases

Bells Palsy o kaya stroke

Paano Gamutin ang Hindi Makadilat

Ang unang solusyon ay alamin kung ano ang tunay na sanhi. Kung ang mga mata ay may namumuong muta pagkagising, madali lamang itong tanggalin at punasan. Huwag maglalagay ng kung anong gamot o substance nang walang rekomendasyon ng isang doktor.

Ang mga infection naman ay maaaring magdulot ng pamamaga ng mata, pamumula ng talukap, pagluluha o pagtutubig ng mata. Ito ay dapat ipatingin sa isang doktor.

Mga Sintomas

Hindi makadilat pagkagising

Hirap idilat ang mata sa kanan o kaliwa

Mahapdi kapag dumidilat

Namamaga ang talukap

May makati o tumutusok na bagay sa mata

Puwing na hindi naalis gaya ng alikabok o tinik

Doktor Para Sa Di Makadilat

Ang isang ophthalmologist ang pwedeng sumuri sa mga kondisyon ng mata. Maaari kang pumunta sa malapit na ospital para magpa check up.

References: AAO



Last Updated on March 1, 2024 by admin

Home / Mga Sakit Sa Mata / Hindi Madilat Ang Mata Ano Ang Dahilan