Hindi Gumagaling Na Ubo – Two Weeks Na

Ang pag ubo ay isang normal na reaksyon ng katawan kapag mayroong iritasyon sa lalamunan o baga. Minsan, ito ay pwedeng maglabas ng plema o kaya naman ay tuyo. Sa taong inuubo, ito ay nakakaistorbo sa normal na gawain. Pwede rin itong maging sanhi ng pagkakasakit ng may relasyon sa ubo.

Bakit Hindi Gumagaling ang Ubo ko?

Ang pag-ubo ay maaaring mangyari sa loob ng ilang araw. Karaniwan, ito ay tumatagal ng isang linggo. Ang payo ng mga doktor ay dapat itong ipa-check up kapag tumatagal na ng dalawang linggo o 2 weeks.

Ano Ang Sanhi ng Hindi Gumagaling na Ubo

Ang isa sa posibleng dahilan ay malalang impeksyon. Kung ikaw ay may impeksyon sa baga o kaya lalamunan, pwede kang ubuhin ng matagal pa sa sampung araw.

Sa isang banda, ang mga sakit na pwedeng magpaubo sa iyo ng matagal na panahon ay posibleng dahil sa HIV, TB, lung cancer o emphysema. Ngunit may ilang pagkakataon rin na hindi naman masyadong malala ang dahilan nito gaya ng pagkakaroon ng allergies. Sa isang banda, ang taong may hika o asthma ay pwede ring magkaroon ng ubo nang matagalan.

Paano Gamutin Ang Matagal Na Ubo

Kung inuubo ng 2 weeks dapat mo na itong ipasuri sa isang doktor. Ang mga tests at evaluation ay gagamitin upang malaman kung ano ang tamang gamot para sa iyong kondisyon. Ilan sa mga ito ay anti-biotics. Huwag iinom ng gamot kung hindi ito pinayo ng doktor. May mga gamot na pwedeng mabili over the counter para sa ubo ngunit itanong ito sa pharmacist kung tama sa iyong pangangailangan.