Gumuguhit Na Sakit Sa Puwet Hanggang Binti Ano Ang Dahilan

May nararamdaman ka bang tumutusok na sakit sa iyong legs o binti? Sa mga ilang tao na meron nito, maaaring ang damage sa nerves ang dahilan. Ngunit importante na malaman ito ng isang doctor upang malaman ang solusyon.

Dahilan ng Parang Gumuguhit na Sakit Mula sa Puwet

Ang isang posibleng dahilan nito ay herniated disc. Kapag ang disc sa lumbar ay tumama sa nerves, pwede itong magdulot ng pananakit sa isang binti. Pwede itong magsimula sa pisngi ng puwet hanggang sa hita, binti at talampakan. Sa isang banda, pwedeng ito rin ay dahil sa muscle strain o cramps.

Ano ang Herniated Disc?

Mga Sintomas

Sumasakit ang pisngi ng puwet hanggang sa likod ng binti

Parang pinupulikat ang muscles sa binti

Gumuguhit na sakit mula likod hanggan legs o paa

Parang tumutusok na sakit sa legs

Kidlat na sakit sa binti mula hita at puwet

Kinikilabutan ang binti na parang mainit

Parang may paso sa balat ng binti

Gamot sa Gumuguhit Na Sakit sa Muscles

Kung ito ay dahil sa nerves, dapat na magpatingin sa isang doctor. Ang ganitong sintomas ay hindi dapat balewalain. Kumonsulta sa isang doctor upang maagapan kung anuman ang sakit na ito.

Doctor Para sa Sakit Sa Nerves

Ang isang neurologist ay pwedeng konsultahin tungkol dito. Kung ikaw naman ay may aksidente kamakailan, gaya ng pagkahulog, bundol o nagbuhat ng mabigat, posibleng isangguni ito sa isang orthopedic surgeon o kaya rehab doctor.

Reference: AANS



Last Updated on April 8, 2020 by admin

Home / Karamdaman at Sakit / Gumuguhit Na Sakit Sa Puwet Hanggang Binti Ano Ang Dahilan