Gumuguhit na Sakit Sa Dibdib – Kirot Na Parang Gumuguhit

Nakakatakot na makaramdam ng kahit anong pananakit sa dibdib. Minsan, ito ay inaakala kaagad na atake sa puso. Ngunit may ilang pananakit na pwedeng ihalintulad sa gumuguhit na pakiramdam o kirot. Ang mga ganitong klase ng pananakit ay hindi dapat ipagwalang bahala dahil maaari itong may kinalaman sa isang malubhang sakit kapag napabayaan. Kung ikaw ay may gumuguhit na kirot sa dibdib, marapat na alamin ang dahilan nito.

Mga Sintomas sa Dibdib

  • Gumuguhit na sakit sa dibdib
  • Parang kidlat na masakit sa gitna ng dibdib
  • Tumutusok na sakit sa dibdib
  • Masakit na dibdib at hirap huminga
  • Mabigat and dibdib na pananakit

Mga Posibleng Dahilan

Ang pananakit sa dibdib na parang gumuguhit o parang kuryente ay isang senyales na dapat ipa check up sa doctor. May ilang mga karamdaman na pwedeng magdulot nito. Ngunit hindi dahil meron ka ng ganitong sintomas ay ibig sabihing may malubhang karamdaman ka na.

Heart attack o atake sa puso

Sakit sa baga gaya ng TB o lung cancer

Sakit sa suso o breast cancer

Hika

Impeksyon sa puso o baga

Stroke

Ano Ang Mga Gamot

Depende sa makikitang dahilan ang ibibigay ng doktor na lunas para sayo. Ang sakit sa puso ay isang seryosong karamdaman na pwedeng gamutin ng isang doktor. Ang cancer sa suso o sa baga ay dapat ring ikonsulta sa isang doktor na siya lamang makakaalam kung paano ito lulunasan. Ang ilan pang mga sakit na may kinalaman sa dibdib ay binibigyan ng lunas matapos masuri ng doktor gaya ng X-ray, ultrasound at iba pa.

Ano Ang Dapat Gawin

Habang ikaw ay may kakayanan pang pumunta sa doktor, ito ay dapat nang ipa-check up dahil may mga sakit sa dibdib na pwedeng ang dahilan ay isang malubhang sakit na. Ugaliin na kumonsulta sa isang expert para malaman agad ang dahilan ng gumuguhit na sakit sa dibdib at ito ay magamot kaagad habang maaga.



Last Updated on February 6, 2019 by admin

Home / Sintomas ng Mga Sakit / Gumuguhit na Sakit Sa Dibdib – Kirot Na Parang Gumuguhit