Garalgal Na Boses Pag Nagsasalita Ano Ang Dahilan at Gamot

Masakit ba ang lalamunan kapag nagsasalita? Ito ay pwedeng may garalgal na tunog. Kung ikaw ay may ganitong sintomas, dapat na malaman kung ano ang posibleng dahilan at gamot.

Dahilan ng Garalgal Na Boses

Ang pagkakaroon ng sore throat, paos o kaya minamalat ay pwedeng maging dahilan ng garalgal na boses. Ito ay pwedeng dahil sa sobrang pagsasalita, infection o kaya tonsillitis. May ilang pagkakaton na ito rin ay posibleng dahil sa paninigarilyo o pag-inom ng alcohol.

Sintomas

Garalgal na boses kapag nagsasalita

Walang lumalabas na boses

Nawalan ng boses pagkagising

Walang tunog na lumalabas kapag nagsasalita

Masakit ang lalamunan kapag nagsasalita o lumulunok

Mga Gamot Para sa Garalgal na Boses

Ang pagkakaroon ng paos o malat ay pwedeng malinasan sa ilang mga first aid. Ito ay pwedeng guminhawa sa pag-inom ng calamansi juice o kaya citrus fruits. Makakatulong rin ang pagmumog ng maligamgam na tubig na may asin o suka.

Ang mga pagkapaos dahil sa pagsasalita ng malakas ay pwedeng mawala sa simpleng pagpahinga. Hinaan ang pagsasalita para hindi ma-strain ang vocal cords.

Kung ang dahilan naman ng minamalat ay tonsillitis o sore throat dulot ng infection, importante na ito ay matingnan ng isang doctor. Pwede siyang magbigay ng antibiotics o ibang gamot para mawala ang sintomas.

Doctor Para sa Garalgal Na Boses

Maaaring kumonsulta sa isang ENT na doctor. Makakatulong rin kahit ang isang family medicine. Sabihin ang anumang problema sa iyong lalamunan upang magamot ito.

Gaano Katagal Mawawala ang Paos

Ang iyong paos o malat ay kusang mawawala rin sa pagpapahinga. Kung ito ay tumagal o lumala, importante na kumonsulta sa isang doctor upang malaman ang tamang gamot para rito.

Reference: Mayoclinic



Last Updated on April 10, 2020 by admin

Home / Problema Sa Lalamunan / Garalgal Na Boses Pag Nagsasalita Ano Ang Dahilan at Gamot