Ano ba ang gamot sa patay na kuko? Kung ito ay isang problema para sayo, pwede kang kumonsulta sa isang doktor para malaman ang dahilan nito. Ngunit may ilang kondisyon kung bakit ito nangyayari na dapat mong malaman. Ano ang ang dahilan nito?
Ano Ang Sintomas ng Patay na Kuko?
Ang kuko ay parte ng mga daliri na kusang humahaba. Kung ito ay may kakaibang kulay gaya ng itim o dark brown, sinasabing ito ay patay na kuko. Ngunit may ilan pang sintomas na dapat mong malaman:
Nangingitim ang kuko sa kamay at paa
Makati ang kuko
Masakit ang kuko kapag hinahawakan
Mahapdi ang kuko sa daliri ng kamay at paa
Maitim ang kuko na parang bulok
Mabaho ang kuko
Ano Ang Posibleng Dahilan?
Ang kuko ay pwedeng magkaroon ng fungal infection. Kapag ito ay nangyari, pwedeng ito ay mabulok o magkaroon ng amoy. Ang mabahong kuko ay senyales na may karamdaman ito.
May ilang pagkakataon na pwedeng magkaroon ng sakit sa kuko. Kapag ikaw ay naipit o kaya namuo ang dugo sa kuko, pwede itong masira.
Sa isang banda, ang pagkakaroon ng sugat na malapit sa kuko at pwede ring magpahina nito sa impeksyon.
Paano ito Gagamutin?
Ano ang lunas sa patay na kuko? Ang gamot sa kuko na tila namatay na ay dapat na itanong sa doktor. Kung ikaw ay may fingal infection, may mga creams na binibigay ang mga doktor para rito.
Panatilihin din na malinis ang iyong mga kuko para hindi ito masira o mabulok.
Doktor Para Sa Kuko?
Ano ang doktor para sa kuko? Ang isang dermatologist ang pwede mong puntahan para magamot ang anumang problema mo sa kuko. Importante na kumonsulta sa isang doktor para mas madaling magkaroon ng lunas ang iyong problema.