Palaging masakit ang ngipin mo? Kung ito ay nangyayari ng madalas, maaaring may ngipin ka na nabubulok na. Dapat itong ingatan na lumala dahil madalas na ito ay pwedeng pagmulan ng impeksyon.
Ano Ang Mga Sintomas?
Ang bulok na ngipin ay may mga sintomas na pwedeng magbigay sa iyo ng impormasyon na ang ngipin ay sira na. Madalas itong may:
- Pananakit ng ngipin
- May nana o itim na kulay ang ngipin
- May mabahong hininga
- Sumasakit ang taas o baba na ngipin
- Masakit ang panga
- Masakit ang pisngi o namamaga
- Masakit ang ngipin kapag kumakain
- May lagnat
Ano Ang Dahilan ng Masakit na Ngipin
Ang mga parte ng ngipin gaya ng bagang, pangil o ngipin sa harap ay pwedeng mabulok. Ito ay nangyayari kapag hindi nalilinisan nang mabuti ang mga ngipin.
Minsan, may mga impeskyon sa ngipin na dulot ng sobrang asido sa kinakain o kaya naman ay may mga kemikal na nagdudulot na pagkabulok. Madalas, ang dahilan nito ay hindi pagsesepilyo ng regular o pag-toothbrush ng hindi wasto.
Ano Ang Gamot Sa Masakit Na Ngipin?
May mga pain reliever para sa ngipin na pwedeng mabili sa mga botika. Ngunit dapat mong itanong muna ito sa iyong dentista pharmacist para malaman kung ano ang tamang gamot sa iyo. May ilang gamot na pwedeng inumin para mawala ng temporary ang sakit ng ngipin.
Bakit Nabubulok Ang Ngipin?
Hindi pag-toothbrush ng maayos
Mali ang paglilinis ng ngipin
Hindi pag-floss
Mga Pwedeng Gawin
Sa bahay, pwedeng panandaliang mawala ang sakit sa ngipin sa pag-inom ng pain reliever. Ngunit makakabuti na kumonsulta sa dentista para malaman kung ito ay dapat nang bunitin o lagyan lamang ng pasta at ayusin mabuti.
Sakit Ng Ngipin Na May Lagnat
Madalas ito ay nangyayari kapag may imepksyon ang ngipin. Ito ay pwedeng kumalat sa bungana, gilagid at sa mga extreme cases ay pwedeng dumaloy sa dugo ang nana papunta sa mga organ gaya ng puso at utak. Kaya dapat na ingatan ang mga ngipin na may impeksyon at ito ay ipagamot agad.