Ikaw ba ay mayroong pagtatae o diarrhea? Madalas na ito ay nangyayari sa mga tao na nasira ang tiyan dahil sa sobrang pagkain, maruruming preparasyong ng pagkain o kaya naman ay irritable bowel syndrome. May ilang paraan para ito ay malunasan sa pamamagitan ng gamot.
Mga Gamot Sa Pagtatae o Diarrhea LBM na Herbal
Ang diarrhea ay madalas na kusang nawawala rin makalipas ng ilang araw. Pero dahil sa ito ay nakakaabala sa madalas na pagdumi, ito ay pwede lapatan ng lunas. May ilang gamot na mabibili over the counter na nakakapigil sa madalas na pagdumi.
Sa isang banda, may ilang herbal o kaya naman ay halamang gamot na maaaring makalunas ng diarrhea. Importante na ikaw ay kumonsulta sa doktor bago ito gamitin.
Ayon sa Medicalnewstoday, ang ilan sa mga herbal na pwede sa diarrhea o pagtatae ay:
- Saging
- Kanin
- Toasted Bread
Mga Pagkain na Dapat Iwasan sa Diarrhea o LBM
May ilang pagkain na dapat iwasan upang makarecover ang iyong sikmura. Huwag muna kumain o bawasan ang pagkain ng mamantika, mga pagkain na may caffeine, matataba at may artificial na kemikal.
Mga Lunas sa LBM o Diarrhea
Importante na ikaw ay hindi maubusan ng tubig sa katawan. Ilan sa mga sumusunod ay mahalagang gawin kapag may diarrhea:
Uminom ng maraming tubig
Kung maaari, uminom ng may electrolytes
Iwasan ang mamantikang pagkain
Kumain ng iisang putahe lamang kung maaari
Makakatulong kung iinom ng probiotics supplement
Doctor Para sa Diarrhea o Pagtatae
Ang isang gastrotenterologist ang pwedeng konsultahin tungkol sa LBM o pagtatae.