Gamot Sa Eyebags – Paano Mawala Ang Maitim Na Eyebags

May eye bags ka ba? Minsan, nakakahiya ang ganitong itsura ng mga mata lalo na kapag humaharap ka sa maraming tao. Ngunit may mga pwedeng gawin upang ito ay mabawasan o tuluyang mawala sa iyong mukha. Ang mga simpleng tips na narito ay pwede mong gawin.

Bakit Nagkakaroon ng Eyebags?

Ang eye bags ay natural na rekasyon ng katawan dahil sa kakulangan sa tulog. Ito ay nangyayari kapag ikaw ay palaging nagpupuyat at kulang sa tulog sa loob ng 24 oras.


May ibang dahilan na kung saan ikaw ay magkakaroon nito kung may sakit na iniinda o kaya naman ay kapag stressed out.

Paano Mawala Ang Eyebags?

Ang eye bags ay pwedeng masolusyonan sa pamamagitan ng mga simpleng paraan. Una, dapat kang magkaroon ng sapat ng tulog. Ito ang pinakamainam na paraan para mawala ang eye bags mo. Ang paraan na ito ay epektibo ngunit kailangan ng mahabang panahon upang makarecover ang mga mata mo.

Epektibo Ba Ang Pipino sa Eyebags?

May mga taong makikita mong naglalagay ng pipino sa kanilang mata kapag natutulog. Ito ay nakakatulong din para marelax ang mga tissue sa ilalim ng iyong mata at pwedeng magpagaling sa eye bags. Ngunit hindi lang ito ang tanging benepisyo. Ang pipino at iba pang prutas na mataas sa Vitamin E ay maganda sa balat.

Bakit Maitim Ang Ilalim ng Mata Ko?

Ito ay isang uri ng eye bags na kung saan hindi gaanong namamaga ang talukap ng mata. Bagkus, ito ay nangingitim ang itsura dahil sa stressed na tissues. Sa isang banda, pwede ring dahil ito sa kakulangan ng tubig sa katawan o kaya naman collagen sa ilalim ng mata.

Creams Para Sa Mata

May mga nabibiling creams na nagsasabing epektibo sa maitim ng eyebags. Ito ay pwedeng mabili sa mga botika. Ngunit dapat mong tanungin ang isang propersyonal gaya ng dermatologist upang malaman kung safe ba ito sa iyo na gamitin.

Namamaga Ang Mata Pagkagising

May ilang kondisyon sa mata na namamaga pagkagising sa umaga. Kung ito ay makati at namumula, dapat kang pumunta sa isang doktor.

Paao Maiiwasan ang Eyebags?

Dapat ka lang magkaroon ng sapat na tulog, kumain ng masustansyang pagkain at uminom ng sapat na tubig sa araw araw. Lahat ito ay makakatulong para maiwasan ang malaking eye bags.

error: Copyright Protected!