Naghahanap ka ba ng mabisang gamot para sa bungang araw? Tuwing tag-init, maraming bata ang nagkakaroon nito. Ngunit may mga matatanda rin na pwedeng dapuan ng problema sa balat na may kinalaman sa panahon at kalusugan.
Ano Ba Ang Bungang Araw?
Ito ay kondisyon sa balat kung saan ang maliliit ng butas sa balat o skin pores ay nagkakaroon ng bara. Ito ay maaaring dahil sa alikabok o iba pang dumi.
Dahilan At Sanhi
Ang sanhi ng bungang araw ay karaniwang dahil sa baradong skin pores. Kapag ito ay nalagyan ng dumi gaya ng alikabok, ito ay pwedeng magkaroon ng butlig at pangangati. Kapag ito ay naimpeksyon, ito ay pwedeng magkaroon ng pamamaga at nana.
Ano Ang Gamot
Paano gamutin ang bungang araw? Ang sintomas nito ay madalas na maya kinalaman sa pamamaga ng mga hair follicles o kaya skin pores o butas ng balat. Kapag ito ay nairita, maaari itong mamaga at mamula.
Ang mga gamot para rito ay hindi na kailangan pang manggaling sa isang botika. Walang gamot para rito pero may mga paraan upang ito ay gumaling at mabawasan ang sintomas.
Paano Ito Maiiwasan?
- Pagpapatuyo ng balat ng mabuti pagkatapos maligo
- Iwasan mapawisan ng todo
- Magsuot ng komportable at maluwag na damit
- Gumamit ng sabon na hypo-allergenic o pwede sa sensitibong balat
- Iwasan magbabad sa araw upang hindi pawisan
- Paglalagay ng cornstarch powder kung kinakailangan
Ano Ang English ng Bungang Araw?
Prickly heat ang tawag sa ganitong karamdaman. May mga rashes at butlig na pwedeng tumubo sa apektadong balat kaya ito ay pwedeng kumati.
Saan Ito Pwedeng Tumubo?
Ang mga butlig at pangangati ay pwedeng mangyari kahit saang parte ng katawan. Ngunit ang pinakamadalas na tubuan nito ay leeg, noo, batok, dibdib at likod.
Pwede rin itong tumubo sa ibabaw ng kamay, paa, alak-alakan, singit, puwet at iba pang mga bahagi na pwedeng pawisan.
Sino Ang Pwedeng Magkaroon Nito?
Ang mga matanda at bata ay pwedeng magkaroon ng ganitong kondisyon. Wala itong pinipiling edad o kasarian kaya maging ang mga lalaki at babae ay pwedeng magkaroon.
Anong Doktor and Dapat Tanungin?
Ang doktor sa balat o dermatologist ay pwedeng magbigay ng gamot para sa bungang araw. Ito ay kailangan lalo na kung may impeksyon na ang mga butlig. Maaaring magbigay ng antibiotic ang isang dermatologist para hindi ito lumala.