May masakit ba sa iyong puwet? Ang mga taong may almoranas ay pwedeng makaranas ng ganitong sintomas. May ilang sanhi ng almuranas na pwedeng iwasan. Kung ikaw naman ay may iba pang sintomas gaya ng pagdurugo, importante na malaman ito ng isang doktor upang magamot.
Ano Ang Gamot Sa Almoranas na Herbal
May herbal ba na pwedeng igamot sa almoranas? Ang pagkakaroon ng pagdurugo at pamamaga ng butas ng puwet ay dapat na ikonsulta sa doktor. May mga gamot na tinatawag na anti-hemorrhoid. Pero kung herbal medicine naman ang hinahanap mo, may ilang pagkain na pwedeng makatulong para hindi na ulit mangyari ang mga sintomas mo.
Ayon sa Healthline, dalawa na pwedeng magamit sa almoranas ay:
- Witch Hazel
- Aloe Vera
- Psyllium fiber
Halimbawa ng mga pagkain ay yung mataas sa fiber. Ang mga ito ay makakatulong para hindi ka mahirapan umiri ay natural na madulas ang paglabas ng dumi.
Ilan sa mga natural foods na pwedeng makatulong sa almoranas ay:
- Oats
- Saging
- Kamote
Almoranas sa Bata at Matanda
Parehong pwedeng makaranas ng almoranas ang matatanda at mga bata. Ito ay pwedeng humapdi at sumakit anumang oras.
Mga mayaman sa fiber ang mga prutas at gulay. May ilang supplement naman na fiber na pwede ring gamitin pero ito ay dapat na ikonsulta rin sa doktor o pharmacist.
Doktor Para sa Almoranas
Ano ang doktor para sa almoranas? Ang isang gastroenterologist ay pwedeng konsultahin dahil ito ay tungkol sa digestive system.