Nakakaranas ka ba ng pagdura ng kulay puti na plema? Kung ito ay madalas mangyari sayo at ikaw ay may ubo, dapat mo nang malaman kung ano ang dahilan nito. Ang paglalabas ng plema ay isang sintomas ng iritasyon sa paghinga, lalamunan o baga.
Ano Ang Mga Sintomas ng Puting Plema
Pagubo at pagdura ng kulay puti na plema na may bula
Mabula ang laway na nilalabas kapag umuubo
Pagubo ng plema na kulay puti o tubig na bula
Puting plema na may itim itim
Parang laway na bula ang plema
Ano Ang Posibleng Dahilan?
Ano ang sakit kapag puti ang plema? Ang plema o mucus ay natural na ginagawa ng katawan dahil sa foreign bodies o kaya naman rekasyon sa isang infection. Ang kulay puti na plema ay maaaring dahil sa laway o kaya mucus mula sa ilong at lalamunan. Ang pagkakroon ng mga itim ay pwedeng dahil sa alikabok o dumi sa paligid o kaya naman dahil sa virus ayon sa Cedars.
Ang pagkakaroon ng plema in general at pagsabay ng ubo ay pwedeng dahil sa alinman sa mga ito:
Ubo at sipon
Allergies sa paligid
Pagkakaroon ng infection gaya ng TB
Pagkakaroon ng cancer gaya ng lung cancer
Sore throat o tonsillitis
Namamaga ang lalamunan
Cancer Ba Ito?
May ilang kondisyon ng lung cancer na kung saan ay pwedeng maglabas ng plema kapag umuubo. Mabuting ikonsulta ito sa doktor lalo na kung may iba ka pang sintomas gaya ng pagpayat, panghihina, masakit na dibdib kapag humihinga o di nawawalang ubo.
Ano Ang Gamot sa Puting Plema
Ang pagkakaroon ng plema ay natural lamang kapag may infection. Ang katawan ay nilalabanan ang ganitong infection kaya ito ay naglalabas ng plema. May ilang gamot na pwedeng mabili sa botika para mas lumuwag ang plema at mailabas ito. Itanong sa iyong doktor kung ano ang bagay ng gamot para sa iyong sintomas.
May ilang tests din na pwedeng ipagawa ng doktor ayon sa iyong problema. Ito ay X-ray, blood test at iba pa.
Ano Ang Doctor Para sa Plema na Puti?
Pwede mo itong isangguni sa isang pulmonologist. Siya ang magbibigay ng gamot na bagay sa iyong kondisyon. Ang isa pang pwede para sa paghinga na may kinalaman sa lalamunan at ENT doctors.
Mga Pagkain at Vitamins
Ang pagkain ng wasto ay magbibigay sayo ng sustansya para maging malakas ang resistensya. Ang prutas ay gulay ay makakatulong sayo.
References: Cedars Sinai