Nangyari na ba sa iyo na magkaroon ng dugo sa utong? Ito ay pwedeng mangyari sa parehing babae at lalaki at dapat na matingnan ito ng isang doktor. Ang pagkakaroon ng dugo sa dede na lumalabas kapag piniga ay isang sintomas na dapat hanapan ng lunas.
Ano Ang Posibleng Sintomas?
Pagkakaroon ng dugo sa dede
Lumalabas na dugo sa utong ng lalaki
Dugo sa utong ng babae
Masakit na dede o suso na may dugo
Mabigat ang pakiramdam ng suso o dede
Mga Posibleng Dahilan
Ang pagdurugo ng utong ng babae o lalake ay parehong nangangailangan ng atensyon. Isa sa posibleng dahilan nito ay ang pagkakaroon ng breast cancer. Ang lalake ay pwede ring magkaroon nito sa ilang pagkakataon.
Ang babaeng nagpapasuso ng sanggol ay maaari ring makaranas ng pagdurugo sa utong. Kung anf sanggol ay masyadong mahigpit ang pagkakasuso, maaaring masugatan ang dibdib na siyang pwedeng maging sanhi ng pagdugo.
Paano Ginagamot ang Dumudugo ng Utong?
Importante na ikaw ay sumangguni sa isang doktor upang malaman kung ano ang tunay na dahilan nito. Ang pagkakaroon ng iba pang likido na lumalabas sa dede o kaya pagkakaroon ng masakit na dibdib ay mga senyales na dapat itong makita o masuri ng isang doktor. Itanong kung ano ang iyong sakit upang mabigyan ka ng tamang gamot.