Dugo Sa Ilong – Delikado Ba Ang Sanhi Nito?

Dumudugo ba ang ilong mo? May mga kulangot ba na may dugo pagkagising sa umaga? Ang ilan sa mga ito ay pwede mong maranasan. Kung ito ay madalas mangyari, importante na malaman mo ang dahilan o sanhi ng ganitong sintomas.

Bakit May Dugo Ang Ilong Ko?

Ang pagdugo ng ilong ay isa sa mga karaniwang nangyayari kapag may iritasyon sa loob ng nasal passages o daanan ng hangin sa ilong.

Ang isa sa dahilan ng dugo sa ilong ay ang pagiging tuyo ng loob nito. Madaming blood vessels sa loob ng ilong. Kapag ito ay masyadong tuyo, pwedeng dumugo ang bahagi na ito.

Samantala, ang pagkalikot sa ilong gaya ng pangungulangot ay pwedeng maging sanhi ng dugo sa loob. Manipis lamang ang balat sa loob ng ilong kaya  pwede itong masugatan lalo na kung matulis ang iyong kuko.

Ang sobrang init ng panahon ay pwede ring maging sanhi ng dugo sa ilong o kahit sa kulangot. Maaaring tumaas ang blood pressure ng isang tao kaya pwede nito maapektuhan ang ilong.

Bakit May Dugo Ang Kulangot Ko Sa Umaga?

Ang ganitong sintomas ay maaari ring may kinalaman sa panahon at allergies. Sa mga bata, ito ay posible ring mangyari habang natutulog lalo na kung masyadong tuyo ang hangin na walang moisture.

Ito Ba Ay Sintomas ng Cancer?

Ang pagdurugo sa ganitong paraan ay madalas na nasa ilong lamang. May ibang sakit nba pwedeng magdulot nito ngunit bihira lamang na ito ay dahil sa isang cancer. Importante na matingnan ka ng isang doktor.

Pwede Ba Akong Maligo ng Malamig?

Ang pagligo ay pwedeng makatulong upang maging maginhawa ang iyong pakiramdam. Kung wala ka namang ibang sintomas, ang dugo sa iyong ilong ay maari ring mawala matapos ang pahinga.

Ano Ang Dapat Inumin Na Gamot?

Ang ganitong sintomas na walang kinalaman sa kahit anong sakit ay kusang gumagaling. Ngunit kung ikaw ay may high blood o hypertension, importante na kumonsulta ka sa isang doktor.