Dila Na Masakit Kapag Kumakain – Ilalim Ng Dila Na May Pananakit

Masakit ba ang dila mo? Minsan, ang simpleng pagkain ay pahirap na lalo na kung ang iyong dila ay may pananakit sa ilalim na bahagi nito. Kung ito ay matagal nang nangyayari, importante na masuri ka ng iyong doktor. Bakit ito sumasakit?

Ano Ang Mga Sintomas Na Nararamdaman?

  • Masakit ang ilalim ng dila kapag ginagalaw ito
  • Kapag lumulunok o nagsasalita
  • May masakit at mahapdi na parte ng dila sa ilalim
  • Mahapdi ang dulo ng dila
  • Mainit at masakit ang ibabaw ng dila

Ano Ang Posibleng Dahilan Bakit Ito Masakit?

Ang pagkakaroon ng pananakit sa ilalim nito ay pwedeng dahil sa salivary glands. Ito ang mga parte na gumagawa ng laway. Kung ang gland ay namamaga o may impeksyon, pwedeng sumakit ang dila mo.

Isa pang pwedeng dahilan ay ang pagkakaroon ng trauma. Kung ikaw ay kumain ng matigas na pagkain o kaya naman ay yung magaspang gaya ng toasted bread, pwedeng sumakit ang iyong dila kinalaunan. Ito rin ay pwede mangayri sa ibabaw o dulo ng dila.

Isa pang dahilan na posibleng magpasakit ng iyong dila ay ang pagkain ng maanghang, acidic o matigas na mga pagkain at yung magaspang sa dila. Kung ikaw ay sensitibo sa ganitong mga pagkain, maaaring iwasan muna ang mga ito.

May Lunas Ba Para Mawala Ang Pananakit?

Ang ganitong uri ng sintomas ay madalas na gumagaling din matapos ang ilang araw. Kung ikaw ay napaso sa mainit na pagkain o inumin, kusa ring mawawala ang pananakit. Sa isang banda, ito rin ay kusang gagaling kung nagkaroon ng sugat.

Ang impeksyon ay dapat namang ikonstulta sa isang doktor. Halimbawa, kung ang pananakit ay dahil sa salivary gland infection, pagkakaroon ng singaw, herpes, oral thrush at iba pang karamdaman, mabuting itanong sa doktor kung paano ito gagamutin.

Mga Dapat Iwasan na Pagkain

Kung ito ay masakit pa, dapat ka munang umiwas sa matitigas at magaspang na mga pagkain. Iwasan rin munang kumain ng maanghang at acidic na mga pagkain.



Last Updated on March 30, 2018 by admin

Home / Karamdaman at Sakit / Dila Na Masakit Kapag Kumakain – Ilalim Ng Dila Na May Pananakit