Dibdib Na Palaging Masakit Parang May Tumutusok

May mga dahilan ng pagsakit ng dibdib. Kung ikaw ay isang babae, dapat kang maging mapagbantay sa mga sintomas ng breast cancer. Kung ito ang dahilan, maaaring may maranasan kang sakit sa dibdib ayon sa Cleveland Clinic.

Kung ikaw naman ay isang lalaki, pwede itong mangyari bilang sintomas ng naipit na ugat. Ngunit dapat mong tandaan na may mga lalaki rin na pwedeng magkaroon ng breast cancer.

Ang sakit sa puso ay karaniwang nagdudulot ng masakit na dibdib. Ito ay matinding sakit na parang may tumutusok sa loob o kaya naman ay apektado ang buong dibdib. Kung sa tingin mo ay meron kang heart attack, dapat kang pumunta agad sa doktor.

Ang baradong mga ugat sa puso ay nagdudulot rin ng pananakit. Importante na bantayan mo ang iyong kalusugan upang maagapan ang posibleng mga sakit gaya ng high blood, stroke at heart attack.

Pwede kang magkaroon ng alinman sa mga ito:

  • Masakit na dibdib kapag humihinga
  • Hirap huminga
  • Mabigat na pakiramdam sa dibdib
  • Parang may nakabara sa loob ng dibdib
  • Tumutusok na sakit

Ito rin ay posibleng magdulot ng masakit sa parte ng dibdib. Kung ikaw ay may ubo na lumala, pwede kang magkaroon ng masakit na bahagi ng dibdib.

Ang masakit na dibdib na may kinalaman sa kalamnan at buto ay pwedeng lagyan ng pain reliever na mga cream. Kung ito ay dahil sa sakit, dapat kang magpakonsulta sa isang doktor.

Ang paghilot ay posibleng makapagdulot ng ginhawa sa dibdib na masakit. Ngunit ito ay panandalian lamang. Kung ikaw ay nag-aalala sa nararamdaman, dapat kang magtanong sa doktor. Ito ang pwedeng magbigay ng lunas sa iyong nararamdaman.



Last Updated on September 10, 2024 by admin

Home / Karamdaman at Sakit / Dibdib Na Palaging Masakit Parang May Tumutusok