May hyperacidity ka ba? Kung laging sumasakit at humahapdi ang tiyan mo, dapat mong malaman kung ano ang mga pagkain na dapat iwasan. Ang pagkain ay may malaking epekto sa pananakit ng tiyan lalo na kung mataas ang iyong stomach acid.
Gamot Sa Hyperacidity
Ang hyperacidity ay ang pagtaas ng acid sa loob ng sikmura. May mga dahilan kung bakit ito nangyayari. Kung ikaw ay may madalas na sintomas nito, dapat mong malama kung ano ang gamot. Maaari kang bumili mula sa botika at itanong sa pharmacist ang nababagay sayo.
Ngunit may mga gamot na tanging mga doktor lamang ang pwedeng magbigay lalo na sa mga kondisyon na malala na umaaabot sa ulcer.
Ano Ang Dapat Iwasan Na Pagkain
May mga pagkain na maaaring magpalala ng iyong hyperacidity. Ilan sa mga dapat mong iawasan ay:
- Chocolate
- Carbonated drinks
- Kape
- Maaasim na pagkain
- Mamantika
Ano Ang Dapat Gawin Para Maiwasan Ang Hyperacidity
May ilang gawain na pwedeng magpababa ng iyong acid. Ilan sa ito ay pagbabawas ng stress, pag-iwas sa pagpupuyat, pagkain ng nasa oras.
Ano Ang Doktor Para Sa Hyperacidity
Ang isang gastroenterologist ay pwedeng makatulong sa iyong problema sa tiyan at sikmura. Kung ikaw ay palaging may mataas na acid sa sikmura, dapat mo na itong ipatingin sa doktor.