Mabaho ba ang pusod mo? Minsan, ang hind paglilinis ng parte na ito ay nagiging sanhi ng pagbaho. Kung ikaw ay nahihiya dahil sa amoy ng iyong pusod, narito ang ilang paraan upang mawala ang problema na ito.
Mga Dahilan At Sanhi
Bakit Mabaho Ang Pusod Ko? Ang pusod ay parte ng katawan kung saan nakakabit ang umbilical cord ng isang sanggol. Minsan, ang parte na ito ay nagkakaroon ng pondong dumi kung kaya ito ay bumabaho.
Ilan sa mga dahilan nito ay ang mga sumusunod
- Pagkakaroon ng naiwan na dumi
- Hindi paglilinis ng pusod ng matagal na panahon
- Pagkakaroon ng impeksyon o sugat
- Pagpapawis ng pusod na laging basa
Solusyon Sa Mabahong Pusod
Ang simpleng paglilinis ng pusod ay makakatulong upang hindi ito magkaroon ng mabahong amoy. Halimbawa, pwede mo itong punasan ng malambot na tela upang matanggal ang mga dumi sa loob. Madalas ito ay puti o itim na duming napopondo.
Pwede ka ring gumamit ng cotton buds na may kasamang baby oil. Ito ay makakatulong upang mas maging madali ang paglilinis ng loob ng pusod.
Mabahong Pusod Ng Mga Lalaki
Sa mga kalalakihan, may mga pagkakataon kung saan ang naiwan na semilya (semen) ay hindi napupunasan sa loob ng pusod pagkatapos magmasturbate. Ito ay pwedeng maging sanhi ng pagbaho ng pusod.
Mabuting mapunasan ang loob ng pusod ng dahan dahan upang hindi mapondo ang mga dumi sa loob.
Paglinis Sa Pusod Ng Sanggol
Ang pusod ng mga baby ay sensitibo. Dapat itong linisin gamit ang hypo-allergenic na sabon o di kaya ay babay oil. Ingatan itong mabuti at huwag hayaang walang takip sa unang mga buwan pagkapanganak.
Impeksyon Sa Pusod
Ang pagkakaroon ng nana o sugat sa loob ng pusod ay pwedeng magdulot ng masamang amoy. Kung ikaw ay may nakikitang sugat o pagdurugo, maging ang pagkakaroon ng mabahon katas ng pusod, kumonsulta sa isang doctor.
Doctor Para sa Pusod
Ang isang gastroenterologist ay pwedeng makatulong sa mga problem sa pusod.