Butlig Butlig Sa Braso Pero Hindi Makati

May mga butlig ka ba sa braso na hindi naman nangangati? Minsan, isa ito sa dahilan upang magkaroon ng magaspang na braso o kaya naman ay parang kaliskis na balat. Kung ito ay hindi kumakati, importante pa rin na malaman kung paano ito bibigyan ng solusyon.

Sintomas Sa Mga Braso Na May Butlig

  • Maliliit na butlig sa braso at kamay
  • Puti puti sa balat sa braso
  • Hindi makati na butlig
  • Parang kaliskis na balat sa ilalim ng braso
  • Butlig sa braso pero hindi makati

Bakit Ito Nangyayari?

Ano ang dahilan ng butlig sa braso at ilalim na balat? Ang isa sa posibleng dahilan nito ay bungang araw. Ang parte ng balat na natatakpan ng mga dumi at alikabok ay pwedeng magkaroon ng butlig na siyang nagbibigay ng parang pantal sa balat ng braso.

Kung ito ay nangangati, maaaring ito nga ay bungang araw. Samantala, ang mga butlig na hindi nangangati ay pwedeng dahil sa sobrang keratin. Ito ay namamana at madalas ay kusa ring nawawala o nababawasan.

Sa medical term, ito maaaring dahil sa tinatawag na Keratosis Pilaris. May mga dead skin cells na maaaring bumara sa iyong skin pores na siyang magdudulot ng mga maliliit na butlig sa iyong braso.

Ano Ang Mabisang Sabon Sa Butlig

Kung ito ay simpleng bungang araw lamang, ang paglilinis ng balat ng dahan dahan ay makakatulong sa pangangati. May mga espesyal na pulbos o cream at lotion na pwedeng ibigay ng doktor para rito.

Sa kondisyon naman ng pagkakaroon ng parang kaliskis na balat, ito ay pwede ring mabawasan gamit ang rekomendadong creams mula sa doktor. Importante na ito ay makita ng espesyalista para malaman kung ano ang sanhi ng iyong sintomas.

Ito Ba Ay Pimples Sa Braso?

Maaaring katulad ito ng itsura ng isang pimple ngunit iba ang sanhi nito. Kung ang pagbabara sa hair follicles o butas sa balat kung saan tumutubo ang buhok ang dahilan, ito ay may katumbas na solusyon o gamot.

Ano Ang Doktor Na Dapat Konsultahin?

Ang isang dermatologist ang siyang pwedeng gumamot ng mga sakit sa balat. Marami kang makikitang derma sa mga ospital at clinics. Ipasuri ang iyong kondisyon.